Guwapong aktor, nabuking na di para sa GF ang pinabiling K-beauty products

by PEP Troika
Jul 26, 2019
Sino kaya itong gwapong aktor na dinaig ang girlfriend sa paggamit ng K-beauty products?!

NOEL FERRER: Mahilig ba kayo sa Korean face masks?

Merong aktor na nagpabili sa kasamahang aktres ng sandamakmak na face masks para sa girlfriend daw nito.

Siyempre naman, ibinili ng aktres ng maraming face masks ang aktor kesehodang mag-overweight ang bagahe niya.

Ang siste nito, nagkita ang aktres at ang girlfriend ni aktor. Gusto sanang kumustahin ni aktres kung natanggap ni GF ang sandamukal na face masks.

Bago masabi ito ng aktres ay napadpad sa skin care ang usapan nila. Tahasang sinabi ng GF ng aktor na ayaw at hindi ito gumagamit ng face mask at all! Hindi niya ito gamay.

Laking gulat ng aktres tuloy! Para kanino kaya ang napakaraming face masks na ipinabili ng aktor?

Nakakalokang moment tuloy iyon para kay aktres!

JERRY OLEA: Hindi naman siguro isang balikbayan box ang ipinabiling Korean face masks ni aktor para mag-overweight ang bagahe ni aktres.

Maraming kaibigan ang aktor. Kung gagamit man siya ng Korean face masks na inayawan ng kanyang GF, puwede niyang ipamudmod iyong sobra sa mga kaibigan.

Continue reading below ↓

Puwedeng giveaway sa mga taga-media at bloggers alang-alang sa promo ng kanyang movies.

At hindi pa mag-e-expire ang mga iyon sa Kapaskuhan kaya puwede ring ipanregalo!

GORGY RULA: Walang masama kung aminin ni aktor kay aktres na para sa kanya iyon.

Nahiya lang siguro si aktor na super dami ang pinabili niya.

Kaya naman parang Korean actor din ang kaguwapuhan ni aktor. May pagka-vain siya. OK lang iyon dahil artista siya.

Pero kung gusto na niya magdirek, OK lang kung di siya mag-ayos nang husto. Guwaping pa rin siya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino kaya itong gwapong aktor na dinaig ang girlfriend sa paggamit ng K-beauty products?!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results