Janella Salvador at Joshua Garcia, nag-sensual workshop

by PEP Troika
Jul 26, 2019
Janella Salvador on being paired with Joshua Garcia for the first time: "May ilangan. Pero na-break namin iyon, kasi nag-provide ang unit namin ng workshop."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Nag-sensual workshop sina Janella Salvador at Joshua Garcia para sa Kapamilya primetime series na The Killer Bride.

“Na-excite talaga ako noong malaman kong makaka-work ko si Josh. Kasi, ilang beses na dapat kaming magkakatrabaho,” matatas na lahad ni Janella sa mediacon nitong Hulyo 25, Huwebes ng gabi, sa Dolphy Theatre, ABS-CBN, Quezon City.

“Pero laging hindi natutuloy. So, I think this is the right time, the right project for us to be able to work with each other.”

“Ganoon din po ako,” malumanay sambot ni Joshua.

“Ahh, masaya ako, kasi siyempre opportunity ito. And andami na nga naming mga project na hindi natutuloy.

“And this time, finally, tuloy na siya. And thank you kay Lord sa blessing.

"Iyong... siyempre, first time naming magtrabaho, e.

“So, may ilangan. Pero na-break namin iyon, kasi nag-provide ang unit namin ng workshop.”

“Sensual!” napangiting bulalas ni Janella. “Sensual!”

Continue reading below ↓

Ngumiti rin nang matamis si Joshua, “Sensual workshop.

"Nag-workshop kami... nagka-bonding kami roon during mga break.

“And may mga ginawa rin kaming... ahh, nangangabayo kami. Tinuturuan kaming mangabayo.

"May bonding din tayo roon, di ba?” tanong ni Joshua sa kapareha.

Tumangu-tango si Janella.

Pagpapatuloy ni Joshua, “'Tapos, sa set... hanggang sa naging kumportable na kami. Mas magaan ngayon sa eksena.”

Pakli ni Janella, “Hindi naman naging mahirap na maka-adjust.”

Hirit ni Joshua, “Parang parehas naman kaming game! Gawin natin ‘to!”

NOEL FERRER: The best way to cope with a broken heart—is not always through a new love—but work.

Sabi ng mga nakadalo ng The Killer Bride mediacon ay ang lungkot ng mga mata ni Joshua.

Si Janella naman, mukhang matagal nang naka-move on.

I hope in this project, they find healing.

GORGY RULA: Di ko pa nakikita kung may chemistry sina Joshua at Janella kahit nag-workshop pa sila.

Continue reading below ↓

Medyo kabado pa ako kung papatok ang bagong tambalang ito, lalo na't pinag-uusapan pa rin sina Joshua at Julia Barretto.

Sana, maganda ang kuwento ng The Killer Bride para yun ang tutukan, hindi ang bagong tambalang ito.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Janella Salvador on being paired with Joshua Garcia for the first time: "May ilangan. Pero na-break namin iyon, kasi nag-provide ang unit namin ng workshop."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results