Mag-inang artista, nagbabaon ng plastic containers sa showbiz events

by PEP Troika
Jul 27, 2019
Who is this mother-daughter daughter tandem notorious for their habit of taking home food from showbiz functions?

NOEL FERRER: Sa isang umpukan ng showbiz writers, napag-usapan ang mga kakatwang practices ng ating mga kasamahan sa industriya.

Na-focus ang usapan sa mag-inang artista na sabi ng production manager ay laging gutom.

“Dalawang event ko silang nakita na pakyaw-kete-pakyaw sa cocktails set-up at hindi lang basta pumapangas ng pagkain kundi may dala pang ziplock ang isa at plastic container naman ang madir para mag-take home ng paborito nilang pagkain!”

Napabalita pang ang raspberry cake ang nagustuhan ng batang aktres samantalang ang kakaibang pica-pica ang bet ng madir.

Ang tanong tuloy ng mga reporter sa usapan, hindi ba sila nakakakain sa bahay nila kaya bigay todo sila sa palafang sa mga showbiz function?

Arayyyyy!

JERRY OLEA: Madalas ay sarap-sarapan ang mga handa sa showbiz functions, kaya ang hirap mag-diet minsan.

Hindi ba’t may pabonggahan pa ng lechon o kare-kare ang mga pa-party ng mga kilalang showbiz personalities?

Continue reading below ↓

Ok lang ang pagte-take home ng mag-inang artista ng mga handa, lalo pa kung sobra-sobra naman ang mga iyon.

Mahusay na artista ang mag-inang THB (Take Home Beauties) kaya hindi sila nauubusan ng project.

Sa pagkakaalam ko ay marunong silang makisama.

GORGY RULA: Naku! Matagal nang pinag-uusapan ang mag-inang iyan!

Ako mismo, nasaksihan ko na pati give aways sa events na pinupuntahan nila, pinagkukuha nila!

Wala silang pakialam na kahit naka-gown sila, ang dami nilang bitbit na giveaways.

Keber nila kung pinagtsitsismisan sila!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Who is this mother-daughter daughter tandem notorious for their habit of taking home food from showbiz functions?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results