Nora Aunor, deadma sa pagtanggi nina Boyet at Pip sa reunion movie sana nila

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Phillip Salvador at Nora Aunor, magsasama muli sa pelikula sa pamamagitan ng Isa Pang Bahaghari.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA: Tinanggihan nina Christopher de Leon at Tirso Cruz III ang Isa Pang Bahaghari na reunion movie sana nila with Nora Aunor.

Ano ang masasabi ng Superstar?

“Ay, naku!” malumanay na sambit ni Ate Guy sa storycon nitong Hulyo 28, Linggo, sa Salu restaurant, Sct. Rallos Street, QC.

“Siguro naman, may edad na tayo para diyan para pag-usapan natin. Bahala sila dun.

“Ibigay natin sa kanila kung ano yung desisyon nila. Kasi, above naman sa atin ‘yan.

"Kanya-kanyang pananaw sa buhay. Kaya hayaan na natin sila.

“At natutuwa naman ako dahil sa... si Kuya Ipe [Phillip Salvador] saka si Michael [de Mesa] ay di hamak na magagaling na artista na makakasama ko rito!”

Palakpakan si Direk Joel Lamangan at mga artista sa storycon, kabilang sina Sanya Lopez, Joseph Marco, Albie Casino, Migs Almendras, Lloyd Samartino, Fanny Serrano, Xixi Maturan, Shido Roxas, Marie Preizer, Jim Pebanco, Angela Cortez, at Tabs Sumulong.

Continue reading below ↓

Earlier ay nandoon si Phillip Salvador para sa look test, pero umalis agad ito dahil may prior commitment.

Nagpaunlak naman si Kuya Ipe ng maikling interbyu bago umalis.

Absent sa storycon sina Michael de Mesa, Zanjoe Marudo, at Hero Bautista.

Siyanga pala, limang beses naidirek ni Joel si Nora—The Flor Contemplacion Story(1995), Muling Umawit ang Puso (1995), Bakit May Kahapon Pa (1996), Sidhi (1999), at Hustisya (2014).

Continue reading below ↓

Nag-best actress si Nora sa mga pelikulang iyan!

NOEL FERRER: Exciting ang mga pelikulang naghahangad humabol sa finished film submission ng Metro Manila Film Festival 2019, kagaya ng Isa Pang Bahaghari.

Agosto 1, Huwebes, naka-schedule ang first shooting day nito sa Cavite.

Hopefully, Setyembre 3 ang last shooting day, para may sapat na panahon for post-production at makapag-submit on or before September 30, na deadline ng pagsusumite ng finished films na aspiring entries sa December filmfest.

Kung hindi naman palarin sa MMFF 2019, no entry fee na sila at letter of intent para sa Metro Manila Summer Film Festival 2020.

Pag nagkataon, may Superstar na, may young Superstar pa sa MMFF.

Abangan natin. Masaya iyan. Tunay na pampasigla sa pelikulang Pilipino!

GORGY RULA: Bago pa kasi nakarating kina Tirso at Boyet, nabanggit na ito ni Direk Joel Lamangan sa mga nakaraang interview.

Mas maganda sana kung kinausap muna ang dalawang aktor bago na-press release.

Pero excited lang talaga si Direk Joel sa proyektong ito na perfect talaga sana kina Tirso at Christopher.

Continue reading below ↓

Nang natanong ko ang tungkol dito kay Tirso, alanganin talaga siyang gawin ito dahil hindi niya maisingit sa kanyang schedule.

Ginagawa niya ang The General’s Daughter, at baka biglang tawagin din siya para sa Starla, at meron pa siyang dalawang pelikula.

Si Boyet naman ay binasa pa ang script, pero ewan ko kung nagustuhan niya ang script dahil hindi na siya nag-comment dito.

Hindi rin alam ni Boyet kung anong schedule ang puwede niyang ibigay dahil sinisimulan na niya ang teleseryeng Love Thy Woman, at tinanggap na rin ni Manay Lolit Solis ang isang malaking pelikulang inalok sa kanya.

Tingin ko, hindi personal ang rason kaya tinanggihan ng dalawang aktor ang proyekto.

Abangan na lang natin kung saan talaga ito isasali—sa nalalapit na 45th MMFF ba sa Disyembre 2019, o sa 1st Metro Manila Summer Film Festival sa Abril 2020.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Phillip Salvador at Nora Aunor, magsasama muli sa pelikula sa pamamagitan ng Isa Pang Bahaghari.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results