Ria Atayde, may payo kay Arjo tungkol sa relasyon nito kay Maine Mendoza

by PEP Troika
Jul 29, 2019
Ria Atayde on brother Arjo: "You know, he has such a beautiful... my brother is something else, you know this. Pagdating sa mahal niya—mahal na mahal!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Twitter

JERRY OLEA: Ipinagdiinan ni Ria Atayde na close friends lang sila ni JM de Guzman.

Hindi ito nanliligaw sa kanya. Hindi niya ito nakikita nitong mga nakaraang araw.

“I don’t go out. That’s a thing.

"My life... sabi ko nga sa barkada ko, how am I gonna be... paano ako maliligawan, I don’t go out!” natatawang sambit ni Ria sa mediacon ng Beautederm nitong Hulyo 28, Linggo, sa Seda Hotel, Vertis North, Quezon City.

“As in sa bahay lang talaga ako, or I travel.”

Kung sa bahay siya naglalagi, at pa-travel-travel with her best friend, hindi siya nakakapag-bonding with Maine Mendoza?

“Ay, hindi po! I travel a lot!” mabilis na tugon ni Ria.

Na-meet na si Maine ng buong pamilya ni Arjo Atayde.

“Ahh, yeah, I think everybody knows naman po she had dinner with the family, di ba?” kaswal na lahad ni Ria.

Continue reading below ↓

Hindi na naulit ang pagkikita nila ni Maine.

Sabi pa ni Ria, “I have not seen my mom [Sylvia Sanchez] in two weeks.

"I have not seen Arjo in like a week.

“But si Arjo kasi, he showers in my room. Kasi, sira yung heater ng room niya.

"Doon lang kami nagkikita pag maliligo siya.

“Kanina, noong nag-ready ako, saka lang ho kami nagkita.”

Ano ang advice niya kay Arjo kaugnay sa relasyon nito with Maine?

“I just always remind them to be careful with his heart,” seryosong sagot ni Ria.

“Like, that’s exactly what I’m telling him na... you know, he has such a beautiful... my brother is something else, you know this.

“Pagdating sa mahal niya—mahal na mahal!

“So, I keep telling him, just, you know, ‘Guard your heart.’

"At the end... like, I don’t want him to be...

Continue reading below ↓

“I don’t want him to be, like, a one-way thing, you know.

"But, wala. Like, so far, so good. There’s nothing...”

Supportive ba siya kina Arjo at Maine?

Napangiti muli si Ria, “I’m supportive in general.

"Even with work. Even with work!

"Dinadalaw ko ‘yan. Even before!

"My goodness! Pumupunta ako sa..."

Naunang mag-endorse ng Beautederm sina Sylvia at Arjo, bago kinuha rin si Ria.

Puwede kayang ma-recruit nila rito si Maine? Iyan ang abangan natin!

GORGY RULA: Pati si Arjo ay endorser din ng isang produkto ng Beautederm.

Pagdating sa career, hindi naman sila nagpapakialaman.

Kaya si Sylvia, iniiwasan niyang pag-usapan si Maine.

Ayaw niyang pagbintangang nagagamit ang EB dabarkad sa launch ng endorsement niya.

Huwag sanang ma-bash si Ria niyan.

Kung si Arjo kasi ang masusunod, ayaw niyang isama sa trabaho si Maine.

Mas personal at labas sa career niya ang relasyon nilang dalawa.

Continue reading below ↓

Kaya pag lumalabas sila, parang hindi sila artista. Ini-enjoy nila ang mundo nilang dalawa.

NOEL FERRER: Good naman kung supportive ang magkapatid na sina Ria at Arjo sa isa’t isa.

Maganda iyang suportahan na iyan, hindi lang sa kani-kanyang love life (although hindi pa raw love iyung kay JM), kundi pati sa kani-kanyang career.

Pressure ngang maituturing ang pagiging award-winning ng pamilya nila kaya dapat galingan nila ang pag-arte sa kanilang projects.

Secondary na lang ang love life kung sakali!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ria Atayde on brother Arjo: "You know, he has such a beautiful... my brother is something else, you know this. Pagdating sa mahal niya—mahal na mahal!"
PHOTO/S: Jerry Olea / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results