Direk Joel Lamangan, ipinaliwanag kung bakit hindi siya mabibiktima ng ghosting

by PEP Troika
Jul 30, 2019
Direk Joel Lamangan sa suggestion na payuhan niya si Bea Alonzo tungkol sa ghosting: "Huwag na, ‘neng! Hayaan mo na siya! Maganda naman siya. Mahusay umarte."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram

JERRY OLEA: Malabong maghimutok si Direk Joel Lamangan sa isyung ghosting.

Huwag ninyong asahan ang premyadong direktor na mag-emote sa mediacon o socmed sakaling basta na lang siya dinedma ng kaibigan o karelasyon.

“Hindi puwede sa akin ang ganun! Pinupuntahan ko sa bahay!” maigting na talak ni Direk Joel sa storycon ng pelikulang Isa Pang Bahaghari nitong Hulyo 28, Linggo sa Salu, Sct. Rallos St., Quezon City.

“‘Bakit hindi mo ako sinasagot?! Bakit hindi mo ako kinakausap?!’ sinasabi ko.

"Nangyari na yun, pero dumidiretso ako, pumupunta ako. Tinatalakan ko. Ha! Ha! Ha!”

Hindi pala eepek sa kanya ang ghosting.

“Hindi! Sumusugod ako, ‘neng!” bulalas ni Direk Joel.

“Hindi ako puwedeng... iisip-isip, ‘Bakit kaya ayaw niya akong kausapin? Bakit kaya ganyan?’

“Hindi! Dumidiretso ako! Sinusugod ko kahit sa bahay, sa eskuwela, kung nasaan man siya.

"Kinu-confront ko siya. Para alam ko... alam ko yung totoo."

Continue reading below ↓

Dapat pala, pagpayuhan niya si Bea Alonzo.

Napakunot-noo si Direk Joel, “Huwag na, ‘neng! Hayaan mo na siya!

"Maganda naman siya. Mahusay umarte,” sabay inom ng Coke.

Maganda nga, ipinagpalit naman...

“Hayaan mo na, ‘day!”

NOEL FERRER: Tama si Direk Joel, huwag nang patulan ang MULTO.

Ibang level si Bea Alonzo—her generation’s superstar/movie queen—sabi ng FAMAS ba yun?

Kaya your best weapon sa kahit na anong controversy is always a good work!!!

#LabanBea

GORGY RULA: Kaya nga nagtataka ako kay Bea, may relasyon naman sila ni Gerald, bakit hinayaan niyang ma-‘ghosting’ siya?

Dapat noon pa man, tinawagan o nakipagkita siya kung bakit dine-deadma na lang siya basta.

Para malinaw na at nagkaalaman na kung gusto pa rin bang ipagpatuloy ang relasyon nila.

Kesa maghintay sa tawag o text at mag-isip ng kung anu-ano, harapin na agad para magkaalaman na.

Continue reading below ↓

Mga bading naman ang nasasanay na nakakaranas ng ‘ghosting’ sa kalalakihan. Kaya nag-effort na hindi ito gawin sa kanila ng mga lalaki.

Pero sa ganda ni Bea, hindi niya deserve ang ma-‘ghosting.’ Dapat alamin na niya agad kung bakit.

Samantala, dahil sa patuloy na pinag-uusapang isyu kina Bea at Gerald, muling lumitaw ang mga dating isyung kinasangkutan ng Kapamilya actor.

Meron sa isang negosyante, may isang taga-politics, at ang iba pang aktres na na-link sa kanya.

Deadma pa rin ba si Gerald dito?

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Direk Joel Lamangan sa suggestion na payuhan niya si Bea Alonzo tungkol sa ghosting: "Huwag na, ‘neng! Hayaan mo na siya! Maganda naman siya. Mahusay umarte."
PHOTO/S: Noel Orsal / Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results