Kapuso stars, inaasahang dadalo sa premiere ng Kathryn-Alden movie

by PEP Troika
Jul 30, 2019
Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ipalalabas sa 350 sinehan nationwide.
PHOTO/S: Noel B. Orsal

JERRY OLEA: World premiere ng KathDen movie na Hello, Love, Goodbye ngayong Hulyo 30, Martes, 7 P.M. sa Cinema 3 ng SM Megamall.

Bukas, Hulyo 31, ang opening ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa 350 sinehan nationwide.

Kahapon ay napabalitang 300 sinehan ang pagpapalabasan nito sa opening day.

Naintindihan namin iyon dahil kasabay nitong mag-o-open ang American action film nina Dwayne Johnson at Jason Statham, ang Hobbs & Shaw na spin-off ng The Fast and the Furious franchise.

Pero as of Tuesday afternoon, naging 350 ang 300.

Magti-theater tour si Kathryn sa block screenings ng Hello, Love, Goodbye bukas ng umaga hanggang hapon sa Quezon City, bago dumiretso pa-airport.

Pa-Amerika si Kathryn para sa ASAP Natin ‘To Bay Area show na gaganapin sa Agosto 3, Sabado, sa S.A.P. Center, San Jose, California.

Siyempre, kasama roon ni Kathryn si Daniel Padilla.

NOEL FERRER: Hello, Love, Goodbye is expected to be loved by moviegoers.

Good luck sa KathDen!

Continue reading below ↓

Inaabangan kung malalampasan nito ang gross ng LizQuen movie na Alone/Together, ang pinakamalakas na local movie so far this year.

GORGY RULA: All-out ang suporta ng mga taga-GMA-7 na dadalo sa premiere night ng Hello, Love, Goodbye mamaya.

Ilan sa Kapuso stars na kaibigan ni Alden na nangakong dadalo ay sina Chariz Solomon, Betong Sumaya, at Mikee Quintos.

Hindi rin nagpabaya ang fans ni Alden, may mga ipina-schedule din silang block screenings, pero aalamin ko pa kung alin doon ang dadaluhan ng Kapuso actor.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, ipalalabas sa 350 sinehan nationwide.
PHOTO/S: Noel B. Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results