Kathryn Bernardo at Alden Richards, mala-Sarah at John Lloyd ang chemistry?

by PEP Troika
Jul 31, 2019
Pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, masundan kaya ng Part 2?
PHOTO/S: James Patrick Anarcon

GORGY RULA: Masayang-masaya sina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa mainit na pagtanggap ng fans sa tandem nila.

Sa premiere night pa lang ng Hello, Love, Goodbye nitong Hulyo 30, Martes, sa SM Megamall, ramdam nilang buo ang suporta ng KathNiel at AlDub fans.

Ngayong araw, July 31, sisikapin nilang mapagbigyan ang mga ipina-schedule na block screenings.

Ngayong umaga ay nasa Trinoma Mall si Kathryn para sa block screening ng solid Kathryn fans, at mayroon pa siyang iikuting iba sa Quezon City bago siya lumipad pa-Amerika.

Si Alden ay dadalo sa block screening na sponsored ng Boardwalk, at nangako ang ilang bosses ng GMA-7 na dadaluhan nila ito.

Nagpasalamat din si Alden sa mga kaibigang Kapuso stars na dumating sa premiere night.

Bukod kina Betong Sumaya, Chariz Solomon, at Mikee Quintos, dumating din sina Ruru Madrid at Valeen Montenegro na mga ka-close ni Alden sa Kapuso Sunday noontime show na Sunday PinaSaya. Naroon din si Christian Bautista.

Continue reading below ↓

Ang isa sa naobserbahan ng mga nakapanood sa premiere kagabi, parang nangangamoy part two ang naturang pelikula.

Iyon ang nakikita nila base sa ending nito.

Alam ng lahat na walang namamagitang relasyon kina Kathryn at Alden, pero ang lakas ng chemistry nila na hindi mo maiwasang kiligin sa mga eksena nila sa pelikula.

Parang sila na ang bagong John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo tandem!

Posible kayang masundan ito?

Sinasabi naman ni Alden na open siyang makapagtrabaho uli sa Star Cinema.

“Oo naman,” mabilis na sagot ni Alden.

“Basta napaalam po ulit nang maayos, very much open po to work with them again.

“With this movie po kasi, ang dami ko pong na-discover sa sarili ko at ang dami ko pong natutunan.

“So I’m really looking forward for the next.”

Agree po ba kayo na sina Kathryn at Alden na ang susunod na Sarah-John Lloyd tandem?

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Puwede naman.

Sana maabot nila ang naabot din nina Sarah (Miss Granny) at Lloydie (Honor Thy Father & his Lav Diaz films) na kikilalanin din sila hindi lang sa takilya kundi sa kanilang kahusayan sa pag-arte.

Balita ko, maganda ang feedback sa kanila rito sa Hello, Love, Goodbye.

Is this better than the last KathNiel movie The Hows Of Us?

JERRY OLEA: Trailer at teaser pa lang, bonggang-bongga na ang chemistry nina Kathryn at Alden sa Hello, Love, Goodbye.

Panonoorin ko muna ang KathDen movie bago ko ikumpara sa The Hows Of Us (pinakamalakas na local movie sa kasaysayan, hindi adjusted sa inflation) at bago ako umayon o kumontra na sina Kathryn-Alden ang bagong Sarah-John Lloyd.

Viva artist si Sarah. Joint venture ng Viva at Star Cinema ang Sarah-John Lloyd trilogy na idinirek ni Cathy Garcia-Molina.

Kapwa Kapamilya sina Sarah at Lloydie. Kapuso si Alden.

Malabo sa lababo na mag-joint venture ang ABS-CBN Star Cinema at GMA Pictures.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, masundan kaya ng Part 2?
PHOTO/S: James Patrick Anarcon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results