Jerome Ponce ng ABS-CBN, Derrick Monasterio ng GMA-7: Sino mas papanoorin?

by PEP Troika
Jul 31, 2019
Jerome Ponce (left) plays a man who falls in love with an older woman in MMK, while Derrick Monasterio (right) plays a single father in Magpakailanman.
PHOTO/S: Screengrab from Maalaala Mo Kaya / Magpakailanman teaser

JERRY OLEA: “Hindi mo madidiktahan ang puso. Pag tinamaan ka, tinamaan ka.”

Tampok sina Jerome Ponce at Gelli de Belen sa love story nina Kiko at Agnes na matutunghayan sa Maalaala Mo Kaya sa Agosto 3, Sabado ng 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Philippines sa ABS-CBN.

Bida naman si Derrick Monasterio bilang single father sa Saturday episode ng Magpakailanman ng GMA-7.

Sa istorya, off to work si single daddy. Saan niya kaya puwedeng iwan muna si baby?

Jerome Ponce versus Derrick Monasterio, sino sa kanila ang mas may hatak sa televiewers?

NOEL FERRER: At least, puwedeng tumawid-tawid talaga ang artists tulad ni Gelli de Belen, at OK lang.

Pagkatapos lumabas sa Kapuso teleseryeng Ika-5 Na Utos, heto naman si Gelli sa MMK ng ABS-CBN.

Patunay lamang na kapag magaling kang artista, kahit saang network ka, magtatatak ka!

Abangan natin ang resulta ng tapatang Jerome Ponce versus Derrick Monasterio!

Continue reading below ↓

GORGY RULA: At least dalawang Sabado nang nakipagpukpukan sa ratings ang Magpakailanman laban sa MMK.

Dati kasi hirap na hirap silang talunin ang drama anthology ni Madam Charo.

Sana ngayong Sabado, lalaban pa uli, para lalong magpursigeng mapaganda ang kuwentong ipinapalabas nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jerome Ponce (left) plays a man who falls in love with an older woman in MMK, while Derrick Monasterio (right) plays a single father in Magpakailanman.
PHOTO/S: Screengrab from Maalaala Mo Kaya / Magpakailanman teaser
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results