First day ng Kathryn-Alden movie, nalampasan ba ang kinita ng KathNiel movie?

by PEP Troika
Aug 1, 2019
Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tagumpay sa box office!
PHOTO/S: Mark Atienza

JERRY OLEA: P34.5M ang first-day gross ng Hello, Love, Goodbye nitong Hulyo 31, Miyerkules, ayon sa ABS-CBN Star Cinema.

Nag-open sa 350 sinehan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina.

Mas malakas pa rin ang first-day gross ng The Hows Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla, sa direksiyon din ni CGM.

Naka-P35.9M sa 225 sinehan ang huling KathNiel movie noong Agosto 29, 2018. (Sa loob ng limang araw ay naka-P279.5M ito.)

Positibo ang word-of-mouth sa KathDen movie.

Bongga ang pakilig. Masarap ulitin ang panonood nito.

May mga nagsasabing mas maganda ang HLG kesa sa THOU.

Kesyo mas mahusay si Kathryn sa bagong movie, at tunay na talap-talap at kainlab-inlab dito si Alden na merong pa-utong.

Sa ngayon, 380 cinemas na ang Hello, Love, Goodbye... Nadagdagan ng 30 sinehan!!!

At malamang na lalo pang lumakas sa weekend.

“I don’t love you!”

NOEL FERRER: Congratulations to the team of Direk Cathy Garcia-Molina sa big box-office hit na Hello, Love, Goodbye.

Continue reading below ↓

Lalakas pa iyan sa weekend at sa international screenings, lalo pa’t para sa ating OFWs ang pelikulang ito.

Naaalala ko pa nang una nating paputukin ang balita ukol sa pagtatambal nina Kathryn at Alden dito sa PEP Troika!

Ang dami-daming kumontra at sandamakmak ang nagsabi na kuryente ang KathDen project.

Well, well, well....heto na po, box-office hit na po!!!

Here’s to more scoops and credible news from your favorite Troika!

GORGY RULA: Sayang at hindi pa sila makapagpa-schedule ng screening sa Hong Kong dahil sa gulong nangyayari ngayon doon.

Nabanggit noon nina Alden na ipinangako nila sa mga kababayan natin sa HK na dadaluhan nila ito kapag may pa-premiere doon.

Dumalo pa ang representative ng Hong Kong Tourism Board sa premiere night nito noong Hulyo 30, Martes, sa SM Megamall.

Halos sa HK kasi kinunan ang kabuuan ng pelikula, at tinalakay sa pelikulang iyon ang buhay ng millennials na OFW doon.

Continue reading below ↓

Dapat maipalabas ang pelikulang ito sa naturang bansa.

'Tsaka, tama ang obserbasyon ng fans na dapat magkaroon ito ng part two. Puwedeng-puwede.

Kaya mag-part two na! Part two! Part two! Part two!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards, tagumpay sa box office!
PHOTO/S: Mark Atienza
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results