Pista ng Pelikulang Pilipino 2019, magsisimula na ang promo sa mga probinsiya

by PEP Troika
Aug 1, 2019
Gabbi Garcia and Khalil Ramos of LSS and McCoy de Leon of G! will join the promo tour of Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Raratsada na ang promo ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino bukas, Biyernes, Agosto 2 sa Cebu—10 A.M. sa University of San Jose-Recoletos, at 4 P.M. sa Robinsons Galleria Cebu.

Tampok dito ang mga bida ng LSS (Last Song Syndrome) na sina Gabbi Garcia & Khalil Ramos, at ang stars ng G! na sina McCoy de Leon, Mark Oblea & Paulo Angeles.

Sa Agosto 3, Sabado ng 4 P.M., magpapasaya sa SM City Cebu sina Gabbi Garcia, Khalil Ramos, Mark Oblea, at ang isa sa mga bida ng The Panti Sisters na si Christian Bables.

Nakasakay sa super-mega blockbuster na Hello, Love, Goodbye ang trailer ng PPP 2019 entries na The Panti Sisters (bida sina Paolo Ballesteros, Martin del Rosario & Christian Bables) at Open (bida sina Arci Muñoz & JC Santos).

May mall tours at campus shows ang iba pang PPP 2019 idols sa Davao (Agosto 9 & 10) at Pampanga (Agosto 17).

Continue reading below ↓

Ang tema ng 3rd PPP ay “Pamilya, Pagkakaibigan, Pag-ibig.”

Gaganapin ito sa Setyembre 13-19, at siyang grand kick off ng Sandaan: ang ika-Isang Daang Taon ng Pelikulang Pilipino.

Ang PPP 2019 ay hatid ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), sa pakikipagtulungan ng Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) at sponsored ng CMB Film Services.

NOEL FERRER: Magandang malaman at makita na kahit may nakaambang demanda sa ibang isyu, nandiyan pa rin ang CEAP para sa 3rd PPP ng FDCP.

Basta ba may kailangan ng suporta at para sa ikakaganda naman at ikabubuti ng industriya, susuportahan natin ‘yan!

GORGY RULA: Tama lang na nagsimula muna silang mag-promote sa mga probinsiya.

Sa ngayon kasi, kaa-announce lang ng 1st Metro Manila Summer Film Festival, naka-focus din ang karamihan sa Hello, Love, Goodbye na pumapalo nang husto sa mga sinehan.

Ang mga mahihilig sa pelikula, magsi-Cinemalaya muna.

Next month pa natin mararamdaman ang init ng PPP na, sana, mas mataas na ito sa nakaraang taon. Sana.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Mapapanood ang sine ni Lav Diaz na Ang Hupa bukas, Biyernes, sa CCP Main Theater bilang opening film ng 15th Cinemalaya indie filmfest.

Ayon sa Facebook page ng Ang Hupa ay 5 P.M. ang screening nito, pero ayon sa FB ng Cinemalaya ay 6 P.M.

Hindi makakadalo ang bidang si Piolo Pascual dahil nasa Amerika ito para sa 25th anniversary presentation ng The Filipino Channel, ang ASAP Natin ‘To Bay Area, na gaganapin sa Agosto 3, Sabado, sa S.A.P. Center, San Jose, California.

Ayon kay Direk Joel Lamangan (na bonggacious ang papel bilang President Nirvano Navarra sa Ang Hupa), apat at kalahating oras ang running time ng pelikula.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Gabbi Garcia and Khalil Ramos of LSS and McCoy de Leon of G! will join the promo tour of Pista ng Pelikulang Pilipino 2019.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results