Maine Mendoza, naninindigang hindi pa buwag ang AlDub

by PEP Troika
Aug 1, 2019
Maine Mendoza, nanindigang hindi pa rin tuluyang nabuwag ang tambalan nila ni Alden Richards.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal

GORGY RULA: Nang humarap si Maine Mendoza sa entertainment press, hindi naiwasan ang mga tanong tungkol kay Alden Richards at sa tambalan nilang AlDub.

Nakapanayam si Maine sa mediacon ng Betadine Fresh Bliss nitong Agosto 1, Huwebes ng hapon, sa Vanilla Cupcakes, Quezon City.

Pangatlong taon na itong ini-endorse ni Maine, kaya sinasabi nilang na-refresh siya sa naturang produkto.

Kaya sinundan ko na rin ng tanong kung kinu-consider rin ba niyang na-refresh ang kanyang career pagkatapos ng mga pagbabago sa kanila ni Alden.

“Nandiyan pa rin po ang AlDub, kasi every day naman kami sa Eat Bulaga po, and wala namang ginagawa sa amin…

“Wala namang any announcement na pinaghiwalay na or anything.

“Pero siyempre, yung nangyayari sa career ko, kinu-consider ko na rin na na-refresh, na parang nag-grow din ako as a person, as a host, as an actress, as a celebrity, o kung ano man."

Naniniwala man si Maine na hindi pa rin tuluyang nabubuwag ang AlDub, idiniin niya na kailangan din nila ni Alden gumawa ng solo projects.

Continue reading below ↓

“Pero ayun, tulad nga po ng nasabi ko kanina, hindi naman tayo puwedeng mag-stay lang sa isang place.

“At a certain point in life, kailangan talaga nating mag-grow, mag-move forward.

“So ako, ang feeling ko, I would consider the changes in my life positive changes,” pahayag ni Maine

Binati niya sina Alden at Kathryn Bernardo sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye.

Hinikayat din ni Maine ang lahat na panoorin ang pelikula dahil naikuwento raw sa kanya na maganda ito at nagustuhan niya ang trailer.

Papanoorin ba niya ang naturang pelikula?

“Opo, papanoorin ko naman po. Sama po kayo?” nakangiting hirit pa ni Maine.

JERRY OLEA: Ginugunita pa rin ng masusugid na tagahanga ng AlDub ang ika-211 weeksary ng AlDub Nation ngayong Agosto 1, Huwebes.

Siguro naman ay wala nang asado o hopia sa pralala na may follow-up movie sina Alden at Maine pagkatapos ng Kapuso teleserye nilang Destined To Be Yours noon pang Mayo 26, 2017.

Continue reading below ↓

Ang inaasam natin ay magkaroon ng sequel itong Hello, Love, Goodbye ng KathDen!

NOEL FERRER: Maganda ang words of support ni Maine sa katambal na si Alden.

Ang susunod na aabangan ay ang kalalabasan ng pelikula nina Maine at Carlo Aquino, na bukas nakatakdang magsimula ang shooting.

Sa Agosto 11 naman nakatakdang magsimula si Maine ng shooting sa Metro Manila Film Festival 2019 movie nila ni Bossing Vic Sotto na Mission Unstapabol: The Don Identity.

Pagkatapos kaya ng KathDen movie, pagbalik ni Alden sa Kapuso network, sino naman kaya ang magiging kapartner ng aktor?

Aabangan kung same level ang support ng mga tao kay Alden, may Maine man o Kathryn, iba mang leading lady o wala at all.

Sana, OK pa rin, di ba?

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maine Mendoza, nanindigang hindi pa rin tuluyang nabuwag ang tambalan nila ni Alden Richards.
PHOTO/S: Gorgy Rula / Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results