Guesting ng tweetums young star sa teleserye, hinarang ng bidang young actress

by PEP Troika
Aug 3, 2019
Hiwdwaan ni bidang young actress at ni tweetums young star, hindi pa rin tapos?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Natapos na ng tweetums young star (TYS) ang shooting ng isang pelikula.

Magaan ang work load niya sa isang TV show. Walang masyadong ginagawa si TYS.

E, may guest role sa isang teleserye na perfect para sa kanya.

Kinausap ng taga-production ang handler ni TYS kung available ba ito.

Luwag-luwagan ang schedule ni TYS. Puwede!

Nakarating agad-agad sa pandinig ng young actress na bida sa teleserye ang balak ng production.

Seryosong kinausap ng young actress ang namumuno sa production, at inilahad ang mga dahilan kung bakit hindi dapat kuning guest si TYS sa teleseryeng pinagbibidahan niya.

Lumagaslas ang masaganang luha ng young actress habang nagpapaliwanag.

Nabagbag ang namumuno sa production. Napahinuhod.

Tinawagan muli ng taga-production ang handler ni TYS at binawi ang inquiry.

Hindi na matutuloy ang guesting ni TYS sa teleserye.

Takang-taka ang handler.

GORGY RULA: Oo nga, pinag-uusapan iyan.

Ewan ko ba bakit nag-react pa si bidang young actress, e, nagsama naman sila sa isang guesting at parang wala namang problema.

Continue reading below ↓

Sana matapos na iyan kung hindi pa rin tapos ang gap nilang dalawa. Nakaka-nega lang, e.

Sana kausapin sila ng management group na nagha-handle sa kanilang dalawa.

NOEL FERRER: I have always felt for the bida young actress.

Iwasan na ang mga bagay na nakaka-stress sa bida ng kanilang teleserye.

Ibig sabihin, hindi pa nare-resolve ang kung anumang di pagkakaintindihan nitong dalawa na nagsimula dahil lang sa lalaki.

Pero hindi lang iyan ang nakaka-stress.

Gaano katotoo ang bali-balitang kinaltasan ng mahigit P666K ang guaranteed contract ni bida young actress dahil sa breach of contract?

I’ll play devil’s advocate lang, ha?! (Iyan ang kagandahan sa ating Troika, napapalabas lahat ng panig ng issue.)

Ngayong kumikita nang malaki ang pelikula ng nagko-cross over na talent katulad ni Alden Richards, hindi ba’t pagpapayabong ng career kung nakuha sa malaking pelikula itong si bida young actress—na ang kailangan talaga ay isang matinding breakthrough role para mag-soar ang kanyang career?

Continue reading below ↓

Ang problema lang, parang hindi sila on the same page ng mga bossing.

Tito Gorgy at Tito Jerry, bakit parang mas bet ng mga bossing ang tweetums young star kesa sa bida young actress kung negatron news at publicity ang pag-uusapan? Bakit?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hiwdwaan ni bidang young actress at ni tweetums young star, hindi pa rin tapos?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results