Kathryn Bernardo at Alden Richards, lumipad sa Dubai para sa HLG premiere

IMAGE Facebook
Hello, Love, Goodbye ipalalabas na sa Singapore, Brunei, Australia, New Zealand, UAE, Kuwait, Bahrain, Oman, Qatar, at Saudi Arabia.

JERRY OLEA: “Hihintayin Kita Sa Hong Kong” ang emote ni Ethan (Alden Richards) kay Joy (Kathryn Bernardo) sa ending ng pelikulang Hello, Love, Goodbye.

“Hihintayin Kita Sa Dubai” ang drama ni Kathryn kay Alden para sa UAE premiere ng kanilang movie.

O mas tamang sabihin, “Susundan Kita Sa Dubai” ang hibik ni Alden kay Kathryn?!

Bandang 8 A.M. ngayong Agosto 8, Huwebes, lumipad si Kathryn at kanyang Mommy Min pa-Dubai, samantalang around 10 A.M. ang flight ni Alden.

Today ang opening ng Hello, Love, Goodbye sa Singapore, Brunei, Australia, New Zealand, UAE, Kuwait, Bahrain, Oman, Qatar, at Saudi Arabia.

NOEL FERRER: Masuwerte talaga si Alden Richards sa naranasan niya sa ABS-CBN with these international screenings.

I hope when he gets back, he gets to challenge GMA Pictures to up their ante sa filmmaking and film marketing para ma-maximize nila ang pagiging box-office attraction ng kanilang prized star.

Ang tanong ng mga tao: kailangan bang tumawid nang tumawid ang mga Kapuso para magkaroon ng totoong strong movie-star status with multiple international screenings?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Challenge dapat na kakayanin iyan ng mga Kapuso!

GORGY RULA: Pagbalik ni Alden ay meron pa sila uli sa Singapore, na gusto sana niyang makasama ang ibang co-stars niya.

Sisimulan na rin niya ang bagong drama series niya sa GMA-7, pero wala pa pala silang napiling leading lady.

Ang dinig ko, baguhan daw ang ipa-partner sa Pambansang Bae.

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close