ABS-CBN, may plano kayang aksyon sa Bea-Gerald-Julia issue?

IMAGE @andersongeraldjr / @juliabarretto Instagram
Naapektuhan kaya ang endorsements nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto dahil sa kinasasangkutan nilang kontrobersya?

NOEL FERRER: Totoo kaya ang possible repercussions na sabi ng mga kaibigan natin sa advertising dito sa Gerald Anderson-Julia Barretto issue with Bea Alonzo?

Are product endorsements starting to renege, cancel, and back out? Dahil dapat nga naman, malinis ang image at role model ang peg kapag endorser ka.

Hinihintay ng publiko ang aksiyon ng ABS-CBN Star Magic sa isyung ito.

Ang tanong ng mga tagasubaybay: saan lalagay ang Star Magic—sa moral consideration kaya o sa ngalan ng komersiyo?

Matagal nang nanahimik ang lahat, noon pang pelikulang My Perfect You nina Gerald at Pia Wurtzbach... hanggang ngayon ba, katahimikan pa rin?

It would be good to know what people and institutions stand for!

JERRY OLEA: Tatlong trailer ang nakasakay sa KathDen movie na Hello, Love, Goodbye.

Dalawa sa mga ito ay itatanghal sa third Pista ng Pelikulang Pilipino next month—ang Open at The Panti Sisters.

Ang isa pa ay ang zombie movie ng JoshLia na Block Z.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matapos ang parunggit ni Julia kay Joshua sa Twitter kaugnay sa after-party ng ASAP Natin ‘To Bay Area show noong Agosto 3, Sabado, sa San Jose, California, makabubuting ihanap ng maayus-ayos na playdate ang naturang pelikula.

Si Gerald, nag-beg off sa concert party ng ASAP Natin ‘To sa Amerika, kaya tinanggal ito sa TV plug ng The Filipino Channel (TFC).

Ayon sa source ng PEP Troika, maraming Pinoy sa U.S. ang galit kay Gerald at ibu-boo ito kapag nakita sa show.

May sponsors din daw na nagbantang aatras.

Abangan natin kung anong mangyayari sa Kapamilya teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald.

Susuportahan kaya ito ng advertisers at televiewers?

Abangan din natin kung matutuloy ang paglabas ng bagong patalastas ng JoshLia.

Ang maliwanag, tuloy ang pagpapalabas ng multo-seryeng The Killer Bride kung saan si Janella Salvador ang katambal ni Joshua.

Tuloy rin ang mga proyekto ni Bea Alonzo.

GORGY RULA: Nakapagtataka nga, bakit hindi naayos agad iyan ng ABS-CBN at hindi naapula ang apoy ng isyung yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip, dinagdagan pa nila, gawa ng mismong galing sa taga-ABS-CBN ang post na mag-isang nasa table si Joshua Garcia sa after-party ng ASAP sa Bay Area.

Lalo tuloy lumaki dahil nagmukhang kawawa si Joshua at lalong napasama si Julia.

Napilitan tuloy ang young actress na magbigay ng sariling panig para ipagtanggol ang sarili.

Gusto ba nilang palakihin talaga ito?

Namamalisyahan tuloy ako at naisip kong baka sinadyang palakihin para makalimutan kung nakapag-file na ba uli sa Kongreso ng renewal ng franchise?

 


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN

Close