Pista ng Pelikulang Pilipino, may pasabog na grand fancon

by PEP Troika
Aug 9, 2019
Kabilang ang The Panti Sisters stars na sina Martin del Rosario at Christian Bables sa makikilahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 Grand Fancon.
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA: Kasado na ang Grand Fancon ng Pista ng Pelikulang Pilipino 3 (PPP3) sa Agosto 31, Sabado, 9 A.M.-10 P.M. sa SMX Convention Center sa Pasay City, malapit sa SM Mall of Asia.

Puwede kang maki-selfie, maki-jam, at makisayaw kasama ang mga artista.

May live music performances mula sa PPP 2019 movie theme songs.

Meron ding sari-saring talks, makeup 101s, meet-and-greets, Q and As, at karaoke singing sessions.

Tampok dito sina: Sue Ramirez at RK Bagatsing ng Cuddle Weather ni Rod Marmol; Gabbi Garcia, Khalil Ramos, at Ben & Ben ng LSS (Last Song Syndrome) ni Jade Castro; Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin del Rosario ng The Panti Sisters ni Jun Robles Lana; McCoy de Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, at Mark Oblea ng G! ni Dondon Santos; Maris Racal at Iñigo Pascual ng I’m Ellenya L ni Boy 2 Quizon; JC Santos at Arci Muñoz ng Open ni Andoy Ranay; Jean Garcia, Jay Manalo, at Junyka Santarin ng Watch Me Kill ni Tyrone Acierto; Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacyln Jose, Elizabeth Oropesa, Ricky Davao, at Enchong Dee ng Circa ni Adolfo Alix, Jr.; Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano, at Maria Isabel Lopez ng Lola Igna ni Eduardo Roy Jr.; at Gloria Sevilla, Vince Ranillo, Suzette Ranillo, at Alora Sasam ng Pagbalik nina Hubert Tibi at Maria Ranillo.

Ang admission price ay P99. Mabibili ang tickets sa SM Ticket outlets.

NOEL FERRER: OK itong promo effort na ito para sa mga pelikulang lahok sa PPP3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sana ay tauhin pa rin kahit may bayad pala ito.

Good luck at sana ay mas maraming pelikulang kumita ngayon sa ikatlong edisyon ng Pista ng Pelikulang Pilipino!

JERRY OLEA: May chance ang fans na manalo ng cool freebies at merchandise ng PPP 2019 films.

Ang unang 100 attendees na makakakumpleto ng activities ay automatic na mananalo ng festival passes.

Puwede mong mapanood lahat ng 10 PPP 2019 films nang libre.

Mamimigay ng 500 PPP festival tickets na puwedeng mapanalunan sa bingo, hourly raffle, o iba pang fun activities sa PPP3 Grand Fancon.

Ang admission guidelines ay ia-announce sa lalong madaling panahon.

GORGY RULA: Ang aga ng promo para tuluy-tuloy ang awareness ng mga tao sa mga pelikula natin.

Pagkatapos ng blockbuster na Hello, Love, Goodbye at ng 15th Cinemalaya movies, kailangang sundan ng PPP3 para masanay na ang mga manonood na marami pang magagandang pelikula natin na kailangan nilang panoorin.

Bukod pa riyan, kailangang malagpasan ng PPP3 ang record ng nakaraang taon dahil bumaba ang box-office returns niyon.

Kung bumaba pa ito ngayon, nakakatakot na sa susunod na taon dahil may Metro Manila Summer Film Festival pa.

Kaya itodo na ito!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang The Panti Sisters stars na sina Martin del Rosario at Christian Bables sa makikilahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino 3 Grand Fancon.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results