Alden Richards, willing sagutin ang plane tickets ng HLG co-stars

by PEP Troika
Aug 7, 2019
Kathryn-Alden movie, umabot na ng PHP319.4 million ang box-office gross in one week's time.
PHOTO/S: @bernardokath Instagram

JERRY OLEA: Naka-PHP319.4 million ang Hello, Love, Goodbye (HLG) sa loob ng pitong araw—mula Hulyo 31, Miyerkules, hanggang Agosto 6, Martes.

Palabas pa rin sa mga sinehan ang pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Nag-open na today, Agosto 7, Miyerkules, ang Indak na pinagbibidahan nina Nadine Lustre at Sam Concepcion.

Ongoing pa rin ang 15th Cinemalaya indie filmfest.

Maliban sa Cultural Center of the Philippines (CCP), mapapanood na umpisa ngayong Wednesday ang Cinemalaya 2019 entries sa Ayala Malls (Glorietta, Greenbelt, Trinoma, UP Town Center, Market Market, Legazpi, Bacolod & Davao) at Vista cinemas (Evia, Pampanga, Naga at Iloilo).

NOEL FERRER: At hindi pa riyan tumitigil ang success ng Hello, Love, Goodbye.

Maliban sa mataas na local sales, gagalugarin at sisipagan nila sa international screenings.

Dito lumalabas ang pagka-generous ni Alden.

Karaniwan, sila lang ni Kathryn ang may provision for travel.

Pero si Alden, dahil gusto niyang makasama ang tropa niyang cast, willing gastusan ang tickets ng mga ito mabuo lang sila.

Continue reading below ↓

Kaya naman pinagpapala itong si Pambansang Bae.

GORGY RULA: Tuwang-tuwa si Kakai Bautista na isa sa pinakamasuwerteng artista.

Pagkatapos ng Family History at Hello, Love, Goodbye, tampok si Kakai sa And Ai, Thank You kung saan first time daw niyang nakatrabaho ang iniidolo niyang si Ai-Ai delas Alas.

Siyempre dasal niyang maambunan ng suwerte ng Hello, Love, Goodbye ang pelikula nila ni Ai-Ai na magsu-showing na sa August 14.

Sabay rin dito ang showing ng pelikulang Malamaya nina Sunshine Cruz at Enzo Pineda pati ang Belle Douleur nina Mylene Dizon at Kit Thompson.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn-Alden movie, umabot na ng PHP319.4 million ang box-office gross in one week's time.
PHOTO/S: @bernardokath Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results