Isyu nina Bea, Gerald, at Julia lalong lumaki dahil sa mga sawsawera

by PEP Troika
Aug 12, 2019
Magkapatid na Marjorie at Gretchen Barretto, hindi nagpaawat sa mga pasaring kaugnay ng Bea-Gerald-Julia issue.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: From "Ghost Writer" na Instagram bio ni Marjorie Barretto, ginawang namang "GHOST BUSTER" ni Gretchen Barretto ang kanyang entry.

Tuloy ang usapan sa mga umpukan ukol sa isyu nina Bea Alonzo, Gerald Anderson, at Julia Barretto.

Sa Rated K kahapon, hiningan kami ni Korina Sanchez ng opinyon tungkol dito.

Paano ba lumaki ito? Sabi ko, first, kilala ang mga tauhan.

Dahil kung ibang Bea (Binene, Saw, Nicolas) o Gerald (Madrid, Santos o Napoles), pag-uusapan ba ito?

Second, invested na tayo sa history ng mga relasyon ng mga taong involved.

And third, timing na rin.

Ngayong usapin ukol sa China, dengue, bagyo, textbook scam, parang naghanap ang mga tao ng ibang usapin.

Labas sa tatlong personalidad, naging issue ito ng honesty sa relasyon, gender politics, at media influence.

Nagtataka ang panel (na-edit out ang part ng interview), ano na kaya ang stand ng Star Magic sa issue?

Hindi ba’t sa tunay na pamilya, pinag-uusapan ito at inaayos, at sa proseso ay may natututunan?

Continue reading below ↓

Ang aksyon kasi at stand ng mga institusyon—tulad ng pamilya, network, advertisers, media—would show kung ano ang mga prinsipyong pinanghahawakan nito, lampas sana sa komersyo.

OK, sabihing mag-move on. Pero sana, may paninindigan tayo para hindi na maulit ang ganitong isyu, di ba?

GORGY RULA: Ano ba ang ginawa ng ABS-CBN Star Magic sa isyung ito? Sinadya ba nilang palakihin ito?

Napag-usapan na rin lang ang isyung iyan, tama ang analysis ni Manay Lolit Solis na ipinost sa Instagram.

Bahagi ng mahabang Instagram post niya kahapon:

"Nalimutan ng lahat na marami nang ganitong istorya na nangyari, dumaan, pero hind naging ganito kalaki dahil wala pa ang social media noon.

"Di gaya ngayon, parang lahat, puwedeng magbigay ng comment, sumawsaw at makihalo.

"In the end, biktima silang lahat, nasaktan silang tatlo, nahubaran ng publiko at babantayan ang lahat ng kilos ngayon."

Nag-comment si Kris Aquino sa post na iyon na saludo siya paghimay ni Manay Lolit ng sitwasyon.

Continue reading below ↓

Pero sa totoo lang, itong isyung hiwalayan nina Bea at Gerald ay wala sa isyu ng love life noon ni Kris lalo na sa relasyon niya noon kina Phillip Salvador, Joey Marquez, at James Yap.

Hindi pa kasi kausuhan noon ng social media kaya ang mga tao ay binabasa at pinapanood lang ang mga nangyayari.

Pero kung ngayon nangyari ang mga iyon, mas malaking isyu ang mga iyon na sasawsawan ng madla.

And speaking of sawsawan, may tatalo pa kaya sa pagiging 'sawsawera ng taon' sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barretto?

Kung walang ginagawa ang Star Magic, may magagawa kaya ang magulang nila lalo na si Mommy Inday Barretto?

JERRY OLEA: May pinagsamahan sina Bea at Julia sa teleseryeng A Love To Last (2017).

"Ate" ang tawag noon ni Julia kay Bea.

A-attend ba sina Julia, Bea, Gerald, at Joshua Garcia sa ABS-CBN Ball 2019? Next month na ito, di ba?

Continue reading below ↓

Nai-imagine ko sina Bea, Gerald, Julia, at Joshua sa remake ng Regal movie na Nagbabagang Luha (1988).

Sa istorya, inahas ni Alice Dixson si Gabby Concepcion na mister ng ate niyang si Lorna Tolentino.

Nalolosyang kasi si LT, kaya bumigay si Gabby sa panunukso at paglalandi ni Alice.

Sa tulong ni Richard Gomez, nakabangon si Lorna, at gusto siyang balikan ni Gabby.

Kering-keri nina Julia at Bea ang memorable scene nina Alice at Lorna sa movie kung saan ang dialogues...

"Ate, mamamatay ako pag kinuha mo sa akin si Alex..."

"Ipalilibing kita."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magkapatid na Marjorie at Gretchen Barretto, hindi nagpaawat sa mga pasaring kaugnay ng Bea-Gerald-Julia issue.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results