Aiko Melendez, tumangging makipag-areglo sa kinasuhang pulitiko

by PEP Troika
Aug 14, 2019
Aiko Melendez: "Serious allegation iyan, kaya somebody has to pay for it. Kaya, I’ll see you in court!"
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA: Isa sa mga araw na ito ay ibababa na ang resolution ng piskalya kung may probable cause ba ang kasong libel na isinampa ni Aiko Melendez laban sa dating vice governor ng Zambales na si Angel Magsaysay-Cheng.

Pursigido ang aktres sa kasong ito, at umaasa siyang aakyat ito sa korte.

Sinubukan na raw ng fiscal na pag-ayusin sila, pero ayaw ni Aiko dahil gusto niyang mapanagutan ng pulitiko ang mga paninira laban sa kanya, lalo na’t pinagbintangan siyang nasangkot sa droga.

“Somebody has to learn a lesson,” pakli ni Aiko nang nakapanayam namin sa mediacon ng bagong afternoon drama ng GMA-7 na Prima Donnas nitong Agosto 13, Martes.

Sabi pa niya, “It’s not always na you’re a goody-goody, dapat kapag may ginawa ka, alam mo kung…

"Sinasabi nga nila, 'Tapos na yung eleksyon, nanalo na kayo, patawarin nyo na.'

Continue reading below ↓

"Oo, pero yung pagdudungis mo sa pangalan ng isang tao, kailangang ayusin mo rin. Linisin mo yung ginawa mo sa akin.

"Kasi, hindi naman ako parte ng eleksyon, e. Campaigner lang naman ako.

"Pero yung iniwan mo sa aking dagok, yung sleepless nights, yung death threats na nakuha ko, e, malay mo, one of these days, baka pag-akusahan ka na kasabwat ka sa isang drugs, is a very sensitive issue, which is…

"I’m very… anti-drugs ako, 'tapos pagbibintangan mo ako niyan?

"Serious allegation iyan, kaya somebody has to pay for it.

"Kaya, I’ll see you in court!"

NOEL FERRER: Looking good si Aiko Melendez now at nagmumura ang kanyang hinaharap sa pictorial na nakita ko para sa presscon ng Prima Donnas.

Maganda rin ito dahil mukhang natsa-challenge ang partner ni Aiko sa teleserye na si Wendell Ramos na bantayan ang kanyang pangangatawan para bumalik sa dating desirability.

Continue reading below ↓

How will their show fare compared sa katapat nitong toprater na Kadenang Ginto? Abangan!

JERRY OLEA: Matapos tumatak bilang Emilia sa Wildflower ng ABS-CBN, kaabang-abang ang mga pasiklab ni Aiko bilang Kendra sa Prima Donnas ng GMA 7.

Ang laki ng ipinayat niya, huh?!

Seksi-seksihan siya sa pag-e-emote sa mga photo shoot, kesehodang wala naman masyadong ipinapasikip.

Aktres kasi. Mahusay na aktres!

Tungkol sa kasong libel na isinampa ni Aiko, ipaubaya na natin sa husgado ang pagpapasya sa usaping iyan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aiko Melendez: "Serious allegation iyan, kaya somebody has to pay for it. Kaya, I’ll see you in court!"
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results