Pinoy celebs na nagsu-shooting sa Hong Kong, muntik nang maipit dahil sa massive protest

by PEP Troika
Aug 14, 2019
Kabilang ang MNL-HK-NY stars na sina Mariella Laurel, Shaina Magdayao, at Alfred Vargas sa mga Pinoy celebrities na nagsu-shooting sa Hong Kong habang nagaganap ang malawakang protesta roon.
PHOTO/S: Instagram

NOEL FERRER: Masuwerte ang grupo nina Alfred Vargas, Shaina Magdayao, Ricky Lee, at Direk Mac Alejandre na nakabalik sa bansa mula sa umagang flight ng Hong Kong noong Agosto 12, Lunes.

Kinagabihan pa sana ang flight ni Mariella Laurel, anak nina Franco at Ayen Laurel, pero hindi natuloy.

Noong hapon ay nag-escalate sa airport ang mass action ng anti-extradition bill protesters sa HK.

Inisip nilang idaan sa Macau si Mariella para makauwi sa Maynila.

Ngayong Miyerkules ng umaga, napag-alaman ko mula sa boyfriend ni Mariella at pamangkin ko na si Arman Ferrer na sakay na ng Cathay Airlines si Mariella para makauwi na sa Pilipinas.

Sa pag-alis ng grupo nina Alfred-Iza-Shaina para sa susunod na leg ng kanilang MNL-HK-NY movie, sana ay wala na silang aberyang mararanasan.

GORGY RULA: Ang suwerte nina Congressman Alfred na nakasakay sila nang maaga noong Lunes, bago nagkaroon ng cancellations ng flight.

Nagpasalamat siyang nakunan na ang mga eksena roon kahit naantala sila dahil sa mga rally.

Continue reading below ↓

Nagkaroon pa siya ng pagkakataong makausap doon ang ilang mga kababayan nating OFWs kung okay pa ba ang kalagayan nila roon sa gitna ng gulo.

So far, nagagawa pa raw nila ang mga regular na activities nila kapag nagkikita sila sa Chatter Road tuwing Linggo.

Ang hiling lang nila ay hindi na lumala pa ang gulong nangyayari sa HK, at maayos na para bumalik na sa dating normal na buhay nila roon.

Next week pala ay nakatakdang lumipad patungong New York si Congressman Alfred kasama ang alaga mo, Sir Noel, na si Iza Calzado, para ipagpatuloy ang shooting nila roon.

Isa-submit din ba ito sa Metro Manila Film Festival?

JERRY OLEA: “Isang bansa, dalawang sistema” ang prinsipyong umiiral sa pagitan ng China at Hong Kong simula 1997.

Masalimuot ang isyung ito na sangkot ang Taiwan.

Inconvenient sa mga pasahero ang pagkakansela ng kanilang flight sa HK.

Pero puwede rin itong maging opportunity. Isang “interesting” na karanasan na maaaring paghugutan ng mga kuwento.

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang ang MNL-HK-NY stars na sina Mariella Laurel, Shaina Magdayao, at Alfred Vargas sa mga Pinoy celebrities na nagsu-shooting sa Hong Kong habang nagaganap ang malawakang protesta roon.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results