Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Magaling na aktres, napagkamalang make-up artist ng photographer

by PEP Troika
Aug 20, 2019
Magaling na aktres, deadma sa photog na hindi siya nakilala noon?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

JERRY OLEA: Hindi mahilig sa artista ang isang professional photographer, na madalas mag-photo shoot sa talents ng isang TV station at isang film company na affiliated sa isang cable network.

Nagugulat na lang minsan ang photog kapag napagtanto niya na sikat pala ang celebrity na kinunan niya.

“Karaniwan sa mga artista na ipo-photo shoot ko, kilos-artista pagdating sa studio o location,” kuwento ni photog.

“Medyo familiar naman ako sa iba. Ang sa akin kasi, trabaho lang.”

Natatawa ang photog kapag naaalala ang experience niya sa photo shoot ng isang mahusay na young actress.

“I don’t know her at all. Nang dumating siya sa location, ordinaryo ang kanyang dating. Mukha siyang gusgusin,” lahad ni photog.

“Akala ko, make-up artist. Kaya pinapunta ko sa make-up area. Narinig ko na lang, nagtatanong siya na malakas ang boses, ‘Who’s that photographer?’

“Halatang irita siya sa akin. Nang magtanong ako sa staff, doon ko nalaman na siya pala ang ipo-photo shoot.”

Continue reading below ↓

In fairness, nairaos nang maayos ang pictorial session na iyon, maging ang dalawa pang sumunod na photo shoot.

“Parang hindi niya ako natandaan,” napapangiting sambit ng photographer.

“Kahit noong fourth time na i-photo shoot ko siya, parang hindi nag-register sa kanya na ilang beses na kaming nag-pictorial.”

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang mahusay na young actress ay isa sa mga prinsesa ngayon ng isang malaking TV network.

GORGY RULA: OA naman iyong gusgusin.

Ang daming magagandang make-up artist na mas maganda pa sa nameyk-apan nila.

Maganda rin naman itong si young actress at mabait. Diretsong kausap.

Alam mo kung gusto ka niyang katrabaho o hindi. Mas magaling siya sa ate niya.

NOEL FERRER: Magaling na aktres iyang napagkamalang make-up artist.

Kapag nasa eksena iyan, hindi siya conscious kung maganda ba siya kundi sa kahingian ng kuwento.

OK lang sa kanyang magkaketong, laban kayo?

In fairness, maraming magagandang make-up artists ngayon, ha!

I don’t think derogatory ang pagpapakahulugan nila ng “mukhang make-up artist.”

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
blind item
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Magaling na aktres, deadma sa photog na hindi siya nakilala noon?
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results