Bong Revilla at Robin Padilla, magsasama sa isang pelikula?

by PEP Troika
Aug 21, 2019
Bong Revilla (fourth from left) at Robin Padilla (second from left), may nilulutong ambag na pelikula para sa 100 Years of Philippine Cinema.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook

GORGY RULA: Kinulit ko si Senator Bong Revilla kung ano ang mahabang pinagmitingan nila ni Robin Padilla na ipinost niya sa Facebook noong Agosto 19, Lunes.

Kasama nila sa meeting na iyon si Phillip Salvador at ang kapatid ni Senator Bong na si Marlon Bautista.

Nasa caption nito: “Hindi namin inakalang mahigit 5 oras na pala kaming nagkukuwentuhan. Talagang na-miss namin ang isa’t isa. Na-miss nyo din ba kami mga kababayan ko? #PelikulangPinoy #100YearsofPhilippineCinema.”

Sabi ko nga sa kanya, talagang na-miss nila ang isa’t isa dahil hindi kasi nagkaroon ng pagkakataong nadalaw ni Robin si Senator Bong noong nasa Camp Crame pa ito.

Mukhang may binabalak silang isang malaking project na pagsasamahan nilang dalawa.

Sinabi noon ni Senator Bong na gusto muna niyang mag-focus sa trabaho niya sa Senado, pero baka bago matapos ang taong ito o early next year ay puwede na siyang bumalik sa pag-aartista dahil ito raw ang first love at ang bread and butter niya.

Continue reading below ↓

Wala pa siyang definite na sagot sa akin kung anong proyektong pagsasamahan nila ni Robin, pero gusto lang nilang meron silang isang malaking proyektong maiambag sa pagdiriwang ng 100 Years of Philippine Cinema.

JERRY OLEA: Susubaybayan natin ang development ng RoBong project na iyan.

Nakaka-excite ang kanilang kumbinasyon, lalo pa’t alang-alang ito sa ika-100 Pagdiriwang ng Pelikulang Pilipino.

Mabuhay!

NOEL FERRER: Sana nga, makagawa sina Robin at Bong ng magandang pelikula na kilalanin bilang isang Pinoy film classic.

Teka, ano ba ang nangyari sa Marawi project na dapat si Robin ang punong-abala?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bong Revilla (fourth from left) at Robin Padilla (second from left), may nilulutong ambag na pelikula para sa 100 Years of Philippine Cinema.
PHOTO/S: Bong Revilla Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results