MMK ni Joanna Ampil, makakasalpukan ang Magpakailanman ni Boobay

by PEP Troika
Aug 21, 2019
Sino ang papatok sa ratings kina Joanna Ampil ng MMK at Boobay ng Magpakailanman?
PHOTO/S: MMK Youtube / Magkapailanman Facebook

JERRY OLEA: Spaghetting pataas nang pataas! Nag-set ng panibagong record high for 2019 ang episode ng Maalaala Mo Kaya (MMK) noong Agosto 17, Sabado, kung saan nagpakilig sina Yen Santos at Rafael Rosell.

Ang national TV rating ng nasabing MMK episode ay 33%, ayon sa Kantar Media.

Agad-agad kinabog nito ang 32.4% rating ng MMK episode ni Xian Lim the other Saturday.

Kaya kaabang-abang kung aarangkada rin ang MMK episode nina Joanna Ampil, Raymond Bagatsing, at Kiko Estrada sa Agosto 24, Sabado, 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Ang paandar ng nasabing episode, “Wala tayo kung wala ang ating mga magulang. Pero paano tayo kung wala sila sa sarili?”

Ito ang unang MMK episode ni Joanna.

Samantala, tampok sina Boobay, Dentrix Ponce, at Odette Khan sa episode ng Magpakailanman sa Sabado night, pagkatapos ng StarStruck sa GMA-7.

Nasa cast din sina Jemwell Ventinilla, Chanel Latorre, at Jun Palattao.

Ang blurb, “Paano nagawang paslangin ng isang security guard ang isang 15-year old na estudyante? Ito nga ba ay isang crime of passion?”

Continue reading below ↓

GORGY RULA: Mataas nga ang MMK noong nakaraang Sabado, August 17.

Ayon sa AGB NUTAM, 15.1% ang nakuha rating ng MMK, at 7.5% ang Magpakailanman episode nina Joyce Ching, Vivian Foz, at Ariosto Reyes Jr.

Kaabang-abang itong salpukan sa darating na Sabado. Masuwerte si Boobay sa ratings, huh?!

Consistent na mataas ang The Boobay and Tekla Show nila ni Super Tekla.

Last Sunday, August 18, kahit late na sila nakapasok at meron pang Anne Curtis at Marco Gumabao ang Gandang Gabi, Vice, nakakuha ang TBATS ng 4.7% vs. 4.1% ng GGV.

NOEL FERRER: Be careful what you wish for.

Nang sabihin ni Joanna na aside from her international theater stint, gusto niyang maranasan ang sampalan, iyakan, matinding awayan, sigawan, at lahat-lahat na sa TV and movie drama... Ayan, nakuha na niya.

Kasama siya sa successful at highly rated na iWant series na Ang Babae Sa Septic Tank 3: The Real Untold Story of Josephine Bracken at Call Me Tita na talaga namang napaarte siya out of her comfort zone.

Continue reading below ↓

At heto ngang MMK, ibang klaseng husay ang ipinakita ni Joanna na ako mismo bilang tagapamahala sa kanya ay nagugulat sa galing niya.

Pati ang mga nakakatrabaho niya ay todo puri sa pagka-professional, mahusay, at mabait niya.

Sana marami ang makapanood ng kanyang MMK this Saturday.

At para sa mga tagasubaybay ng Jesus Christ Superstar, may stint siya nito sa Singapore sa October.

At siyempre, malaking pasabog ang pag-star niya sa CATS international staging sa ating bansa sa November.

May commercial din siyang lalabas soon, at kasama rin siya sa Pinoy Playlist 2019 music fest.

Ang saya lang!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sino ang papatok sa ratings kina Joanna Ampil ng MMK at Boobay ng Magpakailanman?
PHOTO/S: MMK Youtube / Magkapailanman Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results