Eagle Riggs, malaki na ang bayarin sa ospital matapos maaksidente

by PEP Troika
Aug 23, 2019
Eagle Riggs: "It will take at least three weeks para makalakad ako."
PHOTO/S: Instagram

JERRY OLEA: Matatagalan pa bago makalakad ang comedian-host na si Eagle Riggs matapos masagasaan ng isang motorsiklo noong Agosto 28, Linggo, bandang 5 A.M., sa Puerto Princesa City, Palawan.

“Oo. Nilagyan kasi ng bakal ang upper right leg ko. Doon mismo sa bone marrow,” sabi ni Eagle nang maka-chat namin via Messenger nitong Agosto 22, Huwebes ng gabi.

“It will take at least three weeks para makalakad ako.

"Magpa-practice pa lang ako magsaklay bukas. Then therapy for a month siguro."

Libre ang pagho-host ni Eaglr ng swimwear fashion show noong Sabado night sa TATABOOM Puerto Princesa alang-alang sa kaibigan niyang may-ari ng bar.

Inoperahan ang kanyang paa noong Sunday night.

Tatlong araw na wagas ang kirot sa kanyang katawan.

As expected... grabe ang hospital bill!

“Kahapon pa lang, nasa PHP74,000 na ang running bill,” pag-amin ni Eagle.

“Wala pa roon ang bayad sa bakal na inilagay sa paa ko at doctor's fee sa orthopedic surgeon, anaesthesiologist, eye doctor, at internal organs doctor.

Continue reading below ↓

“Wala pa rin doon ang magagastos sa mga gamot na bibilhin for three weeks pagka-discharge at iyung ibabayad ko pa sa pagpapa-therapy.

"Buti na lang, a friend offered his home here..."

NOEL FERRER: Sana’y bumuti na ang kalagayan ni Eagle Riggs sa lalong madaling panahon.

At kung naging mabuti ka naman talaga sa iyong kasamahan, tulad ni Eagle na nalibot na ang tatlong istasyon, tiyak na maraming kasamahan ang gustong tumulong.

Get well soon, Eagle!

JERRY OLEA: Ang unang tumulong kay Eagle para sa hospital bill ay si Daniel Razon at Ang Dating Daan ni Brod Eli Soriano.

“Nagtutulung-tulong din mga friends ko from Teatro Tomasino,” sabi pa ni Eagle.

“Iyong ibang nagpahatid ng pledge ay hindi ko alam kung OK lang na sabihin ko publicly.

“Korina Sanchez expressed her willingness to help and also Dawn Zulueta.

“Salamat at may mga kaibigan ako rito who are taking time na salit-salitan akong bantayan, lalo na sina Dorris, Yolly, Allan, Jai, Roda, Edie & Tata.

Continue reading below ↓

“Thank you sa lahat ng nagpadala ng healing & get well messages. Pati kay Gov Alvarez at sa lahat ng doctors & nurses ng Coop Hospital ng PPC.

“May this be a lesson to all drivers lalo na iyung mga humaharurot na motorsiklo. Drive carefully & have a lot of respect for life!”

GORGY RULA: Kaya maganda rin iyang ginagawa ng ilang talent management group, lalo na ang Star Magic, na SOP sa mga producer o promoter na ikuha ng insurance ang mga artistang kinukuha sa kanila.

Kagaya ng nangyari kay Eagle, baka hindi gaanong mahirapan ang kumuha sa kanya, pati na rin ang komedyante-TV host kung insured ito sa pagpunta niya ng Palawan.

Read Next
Read More Stories About
eagle riigs
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Eagle Riggs: "It will take at least three weeks para makalakad ako."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results