Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Pogilicious heartthrob na may attitude, pinalitan ng young hunk actor sa pelikula

by PEP Troika
Aug 23, 2019
Pogilicious heartthrob, lumi-level kay JLC sa pagka-burnout?

JERRY OLEA: Excited ang premyadong direktor sa bagong pelikula niyang pagbibidahan ng pogilicious heartthrob.

Kinausap ng premyadong direktor ang isang young hunk actor para isahog sa nasabing project, na tatampukan din ng isang gandarang aktres.

Siyempre, excited ang young hunk actor. Pagkakataon niya ito para patunayang may ibubuga talaga siya sa akting, hindi lang sa laplapan at lampungan.

After seven weeks, itinakda ang storycon. Present si young hunk actor, ang gandarang aktres, at ang premyadong direktor.

Pero waley ang pogilicious heartthrob.

Nag-attitude. Walang keber kahit pa respetado at beterano ang magdidirek ng film project.

OK lang iyon kay Direk.

Ang ipinalit kasi kay atti (short for “attitude”) ay mas pogilicious na aktor. Mas talap-talap!

NOEL FERRER: Nasa gitna kami ng dapat ng Palawan nang inire-revise ng teacher ko ang script ng pelikulang ito kasama na ang bagong hunk actor, na mas umpekto ang pa-puwet sa mga audience kaysa sa mga kapanabayan niyang may May-December movies.

Continue reading below ↓

Pero teka, lumelevel-JLC lang yata itong si pogilicious heartthrob sa pagka-burn out.

Makakabalik din iyan kapag nasa tamang huwisyo ulit!

GORGY RULA: Hindi na natin alam kung anong career path ang gustong tahakin nitong pogilicious heartthrob.

Ang isa lang sa napansin ko, parang ang dami nang ginawa sa ipinalit na aktor, bakit parang hindi pa rin niya achieved ang big-star status?

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Ang guwapo niya. OK namang umarte.

Pero yung pagiging superstar material, parang may kulang pa. Hindi mabaliw-baliw ang fans na magkakagulo sa kanya.

Ano po sa tingin ninyo?

Read Next
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pogilicious heartthrob, lumi-level kay JLC sa pagka-burnout?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results