Kathryn Bernardo, bagong Superstar; Alden Richards, bagong Box Office King

by PEP Troika
Aug 24, 2019
Dahil sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye ay nasementuhan ang estado ni Kathryn Bernardo bilang bagong superstar at ni Alden Richards bilang bagong box-office king.

JERRY OLEA: Ang Hello, Love, Goodbye ang ikalawang pelikulang Pinoy na umabot sa PHP600M ang worldwide gross.

As of August 23, Friday, umabot na sa PHP838.5M ang worldwide gross nito.

Ang KathDen movie ang second Filipino film na lumampas sa PHP800M.

Sa far ay isa pa lang ang pelikulang lokal na lumampas sa PHP900M ang worldwide gross — ang KathNiel film na The Hows Of Us.

Continue reading below ↓

Ayon sa source ng PEP Troika ay PHP915M ang worldwide gross nito.

Lalampasan kaya ng HLG ang THOU?

Umaariba pa ang international screenings ng pelikula nina Kathryn Bernardo at Alden Richards.

Noong Agosto 21, Miyerkules, ay “now on its 4th blockbuster week” na ito sa local cinemas at meron pa itong 183 sinehan sa bansa—63 sinehan sa Metro Manila at 120 sinehan sa mga lalawigan.

NOEL FERRER: Suwerte rin at maganda ang timing ng Hello, Love, Goodbye.

Ang daming holidays at suspension ng classes kaya mas mahaba ang panahon para panoorin at panooring muli ang pelikula nina Alden at Kathryn.

And who would have thought na sa ghost month pa mangyayari ito!

This also proves that nandiyan lang ang Pinoy audience, handang manood ng sine na makaka-relate sila!

Congratulations at nahuli ng HLG ang kanilang target market at lumawak pa ito.

GORGY RULA: Maabot man ng Hello, Love, Goodbye o hindi ang box-office record ng The Hows of Us, malakas pa rin ito.

Continue reading below ↓

At si Kathryn Bernardo talaga ang waging-wagi rito dahil bida siya sa dalawang pelikulang sumira sa box-office records ng Pinoy films.

Si Kathryn na ang bagong Superstar! Meron bang kumokontra rito?

Si Alden Richards naman ang kasalukuyang Box-Office King na pawang pasasalamat na lang ang sinasabi niya sa blessings na dumarating sa kanya.

Sabi ni Alden sa ipinost niya sa Instagram account kanina lang, “LORD, iba KA. I learned so much from this experience, and I’m always looking up to YOU in gratitude.

“To everyone who has been part of our #HelloLoveGoodbye journey, maraming salamat at mahal na mahal ko kayo. #HelloThankYouWorld #HelloThankYou800M”

Sina Dingdong Dantes at Rocco Nacino ang ilan sa Kapuso stars ang nag-comment at nag-congratulate sa kanya sa post niyang yun.

JERRY OLEA: Nag-open noong August 21, Wednesday, ang local films na Just A Stranger (Anne Curtis & Marco Gumabao) at Mina-anud (Dennis Trillo & Jerald Napoles), maging ang Hollywood films na Angel Has Fallen at The Angry Birds Movie 2.

Continue reading below ↓

Ayon sa mga taga-Viva ay PHP12.5M ang first day gross ng Just A Stranger, at sa loob ng tatlong araw ay naka-PHP30M na raw ito.

Ayon naman sa source ng PEP Troika ay naka-PHP10M ito noong first day, at naka-PHP5M noong second day.

Sa darating na Miyerkules ay mag-o-open na ang horror movie na The Ghosting, kung saan bida sina Andrea Torres at Khalil Ramos.

Inaabangan na rin natin ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19, 2019) kung saan sampung pelikulang Pinoy ang magtatagisan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa box-office success ng Hello, Love, Goodbye ay nasementuhan ang estado ni Kathryn Bernardo bilang bagong superstar at ni Alden Richards bilang bagong box-office king.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results