Bagong girlfriend ng aktor, bawal pang i-display sa publiko

by PEP Troika
Aug 24, 2019
Nang nalamang padating na ang handler ni aktor, biglang na-lost in space si girlfriend. Nagtago ito sa CR para hindi siya makita.

GORGY RULA: Open na si aktor sa bago niyang girlfriend, pero hindi niya ito puwedeng i-display. Bawal!

Ang narinig na kuwento ng PEP Troika, ipinagbabawal ng management group na nagha-handle sa career ni aktor na makita silang laging magkasama.

Lagi raw kasing karay-karay ni aktor ang bagong GF niya na parang proud na may bago siyang love life.

Siyempre, maganda si girl at hindi dapat itago, pero ewan ko kung bakit ipinagbabawal ng manager niyang magkasama sila.

Minsan, nang mag-guest itong si aktor sa isang programa ng TV network, kasama niya si bagong girlfriend.

Sweet sila at bagay tingnan.

Pero nang nalamang padating na ang handler ni aktor, biglang na-lost in space si girlfriend. Nagtago ito sa CR para hindi siya makita.

Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa CR, dahil nakita na lang siya uli nang umalis na si handler.

Uso pa ba ang mga ganyang bawal-bawal?

Knowing itong aktor na ito, ipaglalaban niya ang bagong sinisinta dahil mukhang in love na in love siya ngayon.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA: Nabihag ng beautiful girl ang puso ng thirtysomething actor.

Kinumpirma ito sa Instagram account ng TV Network, at marami sa kasamahan nila sa istasyon ang nag-like.

“New couple alert!” bahagi pa ng caption sa litrato ng magsing-irog habang magkatabi, at pagkatamis-tamis ang ngiti.

Mark my word, mai-inspire lalo ang dakilang aktor sa bago niyang pag-ibig.

NOEL FERRER: Yun naman pala! Truly, water will find its level! Good luck!

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nang nalamang padating na ang handler ni aktor, biglang na-lost in space si girlfriend. Nagtago ito sa CR para hindi siya makita.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results