Ina ni Sophia Corullo, labis na nagdadalamhati sa pagpanaw ng child actress

by PEP Troika
Aug 24, 2019
Mrs. Angeli Corullo on late daughter Sophia: “Gusto niya po talagang mag-artista.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Sophia Corullo Facebook

JERRY OLEA: Napakasakit tanggapin para kay Gng. Angeli Corullo ang pagpanaw ng anim na taong gulang na anak niyang si Sophia Corullo dahil sa dengue.

Dinala ni Mommy Angeli ang child actress sa ospital noong Agosto 17, Sabado ng hapon, sa ospital dahil matamlay.

Na-diagnose na merong dengue si Baby Sophie, kaya hindi na siya pinalabas ng ospital.

Agosto 18, Linggo, matapos ang pananghalian, nalagutan siya ng hininga.

“Nagulat po kami, ganoon kabilis,” madamdaming lahad ni Mommy Angeli noong Agosto 22, Huwebes ng gabi, habang katabi ang kabaong ng anak sa lamay sa Buencamino St., Brgy. Poblacion, Makati City (sa may likod ng Makati City Hall).

“Wala naman kasi siyang rashes. Wala pong symptoms talaga. Isang araw lang siya nilagnat.

“Akala namin, hindi iyon dengue.

"Kasi, ang sabi sa amin noon, mga two to three days ang dengue, saka may mga rashes. May bleeding.

“Siya, wala po talagang lumabas. Kahit noong tinurnicate ko siya, ginanun sa braso niya,” pagmuwestra ni Mommy Angeli, “walang lumabas, e.

Continue reading below ↓

“Nakita ko pong lumabas yung mga ganun-ganun niya noong ano na siya, medyo unconscious na siya. Iyong rashes niya.”

Nang pumanaw si Baby Sophie, napag-alaman ni Mommy Angeli na ang dalawa sa apat nitong kapatid ay nilalagnat, kaya isinugod na rin ang mga ito sa ospital.

Ang kapatid ni Baby Sophie na si Oliver ay negative sa dengue, pero ang sinundan ni Baby Sophie na si Bryan who is eight years old ay nag-positive.

Noong Agosto 21, Miyerkules, ay naospital din si Mommy Angeli sa sobrang stress.

Sinusumpong ng hika si Mommy Angeli, na ubo nang ubo habang kinakausap namin.

GORGY RULA: Nakakadurog ng puso ang ganitong kuwento. Kasi, napakabata pa ni Baby Sophie.

Kailangan pa nila ng tulong dahil may dengue din ang Kuya Bryan ng child actress.

Sana, marami pang tumulong...

JERRY OLEA: Lubos na nagpapasalamat si Mommy Angeli sa mga dumamay sa kanila, at nagtutulung-tulong para sa mga babayaran nila.

Continue reading below ↓

Humingi ng pasensiya si Mommy Angeli sa mga nakikipaglamay na hindi niya nahaharap o naaasikaso.

“Sabi po nila, huwag muna akong masyadong mag-isip-isip.

"Kasi, mahirap po kung sabay-sabay kami,” lahad ni Mommy Angeli na gumagaralgal ang boses.

Dagdag ng 37-anyos na ina ni Baby Sophie, “Saka parang... siguro iyong... through her po, nase-save namin si Kuya ngayon.

“Kasi, andami pong dumating na tulong. May nagbibigay po ng mga supplement, ng herbal, iyong tawa-tawa.

“Kasi, hindi po namin nagawa sa kanya [Baby Sophie] iyon, e. So, si Kuya... lumalaban po talaga siya.

“Noon po kasing sabihin na kailangan ni Kuya ng blood transfusion, natakot po ako...”

Hindi kasi nila alam kung saan mag-aapuhap ng pambayad.

Pagpapatuloy ni Mommy Angeli, “Noong mga nakaraang araw na, noong napainom namin si Kuya ng mga ibinibigay po nung ano... si Kuya, lumalaban po, e.

“Hindi po masyadong sumadsad iyong platelets niya kapareho ni Sophie.

"Kasi, siya po, hindi namin napainom ng mga gamot na ganun.”

Continue reading below ↓

NOEL FERRER: Sino ang mananagot sa mabilis na pagkalat ng epidemyang ito na dengue?

Ibang klase rin ang naging pronouncement ng Public Attorney’s Office na si Persida Acosta (na talaga namang nanguna noon against Dengvaxia) na, “Bakit ako ang sinisisi sa hindi pagpapabakuna at pagkalat ng dengue, e, hindi naman ako lamok!?”

Kawawa ang mga naging biktima.

Ngayon, sino ang dapat managot?

JERRY OLEA: Napakarami ng magagandang alaala ni Mommy Angeli kay Baby Sophie.

“Three years old pa lang po iyan, bago pa po sumali sa Mini-Me ng It’s Showtime, winorkshop ko siya,” napapangiting sambit ni Mommy Angeli na may bakas ng pait.

“Kasi, sabi niya, gusto niya raw.

"Nakakatuwa po iyan, e. May dala pa siyang dede, pero nagwo-workshop siya.

“Nakikita mo siya, nagda-dialogue siya.”

Meron bang iniidolo si Baby Sophie?

“Ang pinakasinusunod po niya noong maliit siya, iyong coach niya po, si Teacher Angel sa JAMS Artist. Si Ma’am Angel po talaga ang ginagaya niya.

Continue reading below ↓

“Pag may tantrums po siya, pag hindi po siya sumusunod kay Teacher Angel, sinasabihan siya ni Teacher Angel na, ‘Hindi kita gagawing artista.’

“Ano na po siya noon, ‘Ayaw! Ayaw!’ Susunod daw siya. Matatakot na siya. Aakting na siya.

“Gusto niya po talagang mag-artista.”

Si Baby Sophie lang ang artista sa kanilang pamilya.

Tatlong beses siyang nakalabas sa MMK. Ang huling pag-akting ni Baby Sophie ay sa MMK episode nina Yen Santos at Rafael Rosell na ipinalabas noong nakaraang Sabado, Agosto 17.

So far, iyon ang episode ng MMK na pinakamataas ang rating this year.

Gustung-gustong mapanood iyon ni Baby Sophie. Kaso, nang mga oras na palabas iyon ay unconscious na siya at patuloy na bumababa ang bilang ng kanyang platelets.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mrs. Angeli Corullo on late daughter Sophia: “Gusto niya po talagang mag-artista.”
PHOTO/S: Jerry Olea / Sophia Corullo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results