Yasmien Kurdi, hindi isyu ang equal billing kina Bea Binene, Gabbi Garcia

by PEP Troika
Aug 28, 2019
Yasmien Kurdi (center) on training for her action scenes with Bea Binene (left) and Gabbi Garcia (right): "Dito, hanggang kaloob-looban ng baril, pati pagkasa, paglalagay ng bullet, paglilinis, lahat, natututunan namin."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Magwawakas ang teleseryeng Sahaya sa Setyembre 6, Biyernes, sa GMA Telebabad.

Ang bagong makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano simula Setyembre 9 ay ang madrama at maaksyong Beautiful Justice, na tatalakay sa buhay ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency) agents.

Pagandahan dito ang Kapuso Angels na sina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia, at Bea Binene.

Ongoing ang pagsasanay nila sa pagbaril at Krav Maga.

“Sobrang fun ang training. Iba-ibang klase ng gun ang gagamitin namin,” masayang sambit ni Yasmien sa mediacon nitong Agosto 27, Martes ng gabi, sa La Reve events place, Quezon City.

“Puro .45 ang tine-training namin, pero may iba pa kaming hahawakan, which is the M-15.

“Kasi, pag PDEA ka, usually iyong malalaki. Iyong iba-ibang klaseng baril, kailangan naming pag-aralan. Sobrang nakaka-excite!

“Naaaliw po kami! Actually, nagkaroon na ako ng kalyo. Eto! Nagkaroon na ako ng kalyo kakakasa ng baril!”

GORGY RULA

Hindi isyu kay Yasmien na isama siya at halos pantay sila ng exposure nina Gabbi Garcia at Bea Binene.

Continue reading below ↓

Gustung-gusto niya ang project kaya tinanggap niya agad.

Ilang beses na rin kasi siyang nagbida sa mga drama series, kaya may mga nagkuwestiyon kung bakit niya tinanggap na equal billing kina Gabbi at Bea.

Walang problema iyon kay Yasmien. Matagal na kasing hindi siya nakapag-prime time.

Ang huling prime time pa niya ay ang Rhodora X noong 2014. Kaya excited siyang nakabalik siya sa mas challenging na oras.

JERRY OLEA

Nagreyna si Yasmien sa afternoon slot ng GMA Network for so long.

Nang ilagay siya sa morning slot ay hindi iyon umepek.

Masaya at excited si Yasmien na magbalik-prime time, bagama’t may pressure ngayong umalis siya sa kanyang comfort zone.

Hindi na bago kay Yasmien ang pag-aaksyon. Sa telefantasyang Encantadia (2005) ay nakipag-espadahan siya.

Sa TV remake ng Babangon Ako’t Dudurugin Kita (2008), gumamit na siya ng baril pero hindi ganoon ka-intense ang training.

“Dito, hanggang kaloob-looban ng baril, pati pagkasa, paglalagay ng bullet, paglilinis, lahat, natututunan namin,” aniya.

Continue reading below ↓

Nasa cast din ng Beautiful Justice sina Gil Cuerva, Derrick Monasterio, Bing Loyzaga, Valeen Montenegro, Victor Neri, Philip Lazaro, at Gabby Eigenmann.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yasmien Kurdi (center) on training for her action scenes with Bea Binene (left) and Gabbi Garcia (right): "Dito, hanggang kaloob-looban ng baril, pati pagkasa, paglalagay ng bullet, paglilinis, lahat, natututunan namin."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results