Bea Binene, kumakawala na sa pagiging nene?

by PEP Troika
Aug 28, 2019
Bia Binene on her 'nene' image: "E, kasi po, boses-bata! Height-bata! Pero tina-try ko na ngayon, kahit paano, mas babaan ang boses. Mas hindi magulo, ganyan..."
PHOTO/S: Noel Orsal

JERRY OLEA

Medyo nakakapanibago si Bea Binene sa mediacon ng Kapuso primetime series na Beautiful Justice nitong August 27, Tuesday night, sa La Reve, Quezon City.

Kumakawala na ba siya sa pagiging nene? Sa iba kasi, bata pa ang dating niya.

“E, kasi po, boses-bata! Height-bata!” himutok ni Bea.

“Pero tina-try ko na ngayon, kahit paano, mas babaan ang boses. Mas hindi magulo, ganyan...”

Maipo-project na ba niya iyong seksi-seksihan ang aura? Nire-reinvent na ba niya ang kanyang image?

“Sana po,” mabining sambit ni Bea, na sinundan ng hagikhik.

“Hi! Hi! Hi! Ano! Kasi, ano lang, di ba, nakakapanibago rin. Di ba, iyong pananamit, ganyan. Iyong mga eksena, ganyan.

“Pero ano na rin po, parang normal naman.

"It’s not like, parang... dito sa show na ito, kailangang ibang-iba. Kailangan, transformation.

“Kasi, baka magmukhang pilit, ganyan.

"So, iyon, kung ano ang eksena roon, ganoon ang ginagawa namin.

Continue reading below ↓

“And yung maturity naman, parang ano po yun, e. Dumadating lang, di ba?”

NOEL FERRER

Hindi pa ba mature si Bea Binene?

Oh well, wala naman sa height ang lahat. Wala rin sa boses.

Nasa pagdadala iyan ng sarili.

Mind you, iba si Bea! Binene!

JERRY OLEA

Handa na ba si Bea Binene sa medyo seksing eksena, halimbawa’y kissing scene?

“Depende po sa eksena, saka depende po siguro sa ano, sa requirement,” mabining tugon ni Bea.

“Lagi ko naman pong kasama si Mama, e. Kapag umoo siya, saka ko iko-convince ang sarili ko, ‘Kaya mo ‘yan! Kaya mo ‘yan!’

“Saka dito naman po sa seryeng ito, iyong production team saka sina Direk [Mark Reyes], talagang ... ano ‘yan, si Direk Mark, Tween Academy.

"Si Tita Mona [Mayuga], yung EP namin, siya yung EP namin sa Twin Hearts.

“So, talagang sa kanila kami lumaki.

Continue reading below ↓

"And alam namin, ito talaga yung pinagkakatiwalaan namin, alam ko, na kung ano yung sabihin nila, yun yung best, na aalagaan talaga nila ako.”

GORGY RULA

Ang laki nga ng ipinagbago ni Bea.

Napakatahimik niya pagdating sa love life.

Napapabalita kasing may karelasyon siyang non-showbiz pero ayaw niya talagang sumagot.

Abala pa siya sa negosyo niyang coffee shop sa Megamall na kapag wala siyang trabaho, siya mismo ang nagbabarista dahil pinag-aralan na rin niya ito.

Read Next
Read More Stories About
Bea Binene, Beautiful Justice
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bia Binene on her 'nene' image: "E, kasi po, boses-bata! Height-bata! Pero tina-try ko na ngayon, kahit paano, mas babaan ang boses. Mas hindi magulo, ganyan..."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results