Joanna Ampil at Kiko Estrada, umani ng papuri sa pagganap nila sa MMK

by PEP Troika
Aug 29, 2019
Umani ng papuri mula sa mga manonood ang naging pagganap nina Kiko Estrada at Joanna Ampil sa episode ng MMK noong nakaraang Sabado, August 24.
PHOTO/S: ABS-CBN

JERRY OLEA

Naka-30.6% ang heartbreaking episode nina Joanna Ampil & Kiko Estrada sa Maalaala Mo Kaya noong Agosto 24, Sabado, sa ABS-CBN, ayon sa national TV ratings (urban + rural) ng Kantar Media.

Hindi nito kinabog ang nakakakilig na episode nina Yen Santos & Rafael Rosell, na nagtampok din sa child actress na si Sophia Corullo (RIP).

Nagtala iyon ng record high na 33.3% para sa MMK this year.

May pakilig muli ang MMK sa Agosto 31, Sabado, 8:30 P.M., pagkatapos ng The Voice Kids (Season 4).

Bida sina Bela Padilla at JC Santos sa episode na ang paandar, “Paano kung nalaman mong niloko ka ng taong pinakamamahal mo?”

Samantala, sa Magpakailanman ng GMA-7 ay tampok sina Jak Roberto at Klea Pineda sa isang scandalicious story.

Abangan!

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

In fairness, inulan ng magandang reviews ang Maalaala Mo Kaya episode ni Kiko Estrada at ng alaga kong si Joanna Ampil.

Ultimo ang Manunuri na si Butch Francisco ay nag-text sa akin na hindi raw sila nagkamali sa pagbibigay kay Joanna ng Gawad Urian best actress dahil may ibubuga talaga ito sa pag-arte.

Sa Service Awards ng ABS-CBN kahapon, August 28, kung saan inawit niya ang "Memory" from the musical na CATS—na itatanghal sa Pilipinas starring Joanna simula November—maraming bumati kay Joanna na nakapanood ng MMK na ang sabi’y pang-award na naman daw.

Salamat din kay Tita Veronica Samio ng PMPC na nagpaabot ng papuri kay Joanna.

Ngayong Sabado, subok na matibay na artista na naman ang ipapalabas ng MMK.

Good luck kina Bela at JC!

GORGY RULA

Wala pa akong nakuhang ratings mula sa AGB-NUTAM, pero marami rin ang pumuri sa komedyanteng si Boobay sa kakaibang role niya sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Ginampanan ni Boobay ang isang sekyung bading na pinatay ang lalaking menor de edad na minolestiya niya.

Marami ang nakabalita sa kuwentong ito, kaya tinutukan din ito.

Pero pinag-usapan nga itong magaling na pagganap ni Joanna sa MMK.

Hindi lang si Joanna, kundi pati si Kiko Estrada na gumanap na anak niya.

Narinig ko sa radio program nina Tita Cristy Fermin na bukod kay Joanna, puring-puri rin sila sa magaling na performance ni Kiko.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Umani ng papuri mula sa mga manonood ang naging pagganap nina Kiko Estrada at Joanna Ampil sa episode ng MMK noong nakaraang Sabado, August 24.
PHOTO/S: ABS-CBN
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results