Hello, Love, Goodbye cast members magkakaroon ng bonus?

by PEP Troika
Aug 29, 2019
Ayon kay Lovely Abella, ipinatatawag ang lahat ng cast ng Hello, Love, Goodbye sa September 3 para sa isang victory party at sa isang importanteng announcement.
PHOTO/S: Lovely Abella Instagram

GORGY RULA

Nasabihan na kaya ang alaga mong si Joross Gamboa, Sir Noel, tungkol sa pa-blowout ng Star Cinema para sa cast at production staff ng Hello, Love, Goodbye?

Naitsismis lang ito sa amin ni Lovely Abella sa mediacon ng Wagas nitong Agosto 29, Huwebes ng tanghali.

Sabi ni Lovely, pinapatawag sila sa September 3 at baka raw mabigyan sila ng bonus.

“First time ko po kasi sa Star Cinema. Ang kuwento nila, meron daw talaga silang bonus.

“So sila, nag-uusap na sila kung magkano.

"Pero sabi ko, kahit magkano lang… kasi pag bonus, hindi mo naman po ini-expect yun, e,” pakli ni Lovely.

Thankful ang Kapuso comedienne dahil napakaganda ng kinalabasan sa takilya ng Hello, Love, Goodbye at malaki raw ang nagawa sa kanyang career.

Ang isa pang magandang blessing para kay Lovely ay ang nabuong friendship nila sa naturang pelikula.

“Yung samahan po talaga namin, nag-usap-usap kami na hindi lang po ito movie friends,” sabi pa niya.

Continue reading below ↓

May group chat sila at doon ay napag-usapan nilang magkikita sana ngayong araw para manood uli ng Hello, Love, Goodbye, pero wala raw silang nakuhang medyo maliit na sinehan.

Wala pa rin kasi si Alden Richards na tumanggap ng Asian Star Prize mula sa Seoul International Drama Awards 2019.

Kaya hihintayin daw nila ang pagbabalik ng Kapuso actor mula sa South Korea at magpa-schedule sila ng block screening para magkita-kita sila uli.

Dagdag pang kuwento ni Lovely, narinig niyang mayroong ia-announce sa blowout nila sa September 3.

Sana raw, yung pagkakaroon ng part two ng HLG ang magandang announcement na sasabihin sa kanila.

Marami kasi ang nagsasabing dapat may sequel itong blockbuster hit movie nina Kathryn Bernardo at Alden.

Samantala, mapapanood na ang Wagas sa GMA 7 simula September 2, Lunes ng umaga, bago mag-Eat Bulaga.

NOEL FERRER

Sunud-sunod ang celebration nila for Hello, Love, Goodbye.

Noong isang araw, kesehodang walang pasok dahil kay bagyong Jenny, natuloy ang pa-lunch ni Inang Olive Lamasan sa mga may kinalaman sa pelikula.

Continue reading below ↓

Sa laki ng kinita ng HLG, baka maging mataas ang kanilang bonus than their usual one-day rate.

Oh well, maganda rin talaga na may bonus clause sa mga kontrata, di ba?

As for the movie, patuloy pa rin itong kumikita kumpara sa nagbukas kahapon na The Ghosting, na walang figures na maibigay ang mga sinehan.

JERRY OLEA

Noong isang linggo pa pinirata ang Hello, Love, Goodbye.

Malinaw ang kopyang pinagpasa-pasahan sa Messenger, maging ang ipinalabas sa bus pa-Nueva Ecija na napanood ng isang katoto.

Naglipana na sa Quiapo ang pirated DVDs which you can buy as low as P10 each.

Siyempre, kung meron sa Quiapo, kumalat na rin sa mga bangketa.

Pero iba pa rin ang experience na panoorin ang KathDen movie sa big screen.

Mas tumutusok at kumukurot ang mga hugot nina Ethan at Joy sa loob ng sinehan, kaya pinapasok pa rin ito ng moviegoers.

Kuwelang-kuwela ang sandamukal na memes kaugnay sa pelikula, katulad ng dalawang lalaki na Bumbayin ang hitsura at magkahawak-kamay na naglalakad.

Continue reading below ↓

Ang paandar, “Hello, Love, Bumbay.”

Harinawa, magkaroon ng part 2 ang HLG!

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Lovely Abella, ipinatatawag ang lahat ng cast ng Hello, Love, Goodbye sa September 3 para sa isang victory party at sa isang importanteng announcement.
PHOTO/S: Lovely Abella Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results