Sino ang bagay na leading man ni Maureen Wroblewitz?

by PEP Troika
Aug 29, 2019
Ilang kilalang aktor, inimbitahan para mag-audition bilang leading man ni Maureen Wroblewitz.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz Instgram

GORGY RULA

Patapos na ang Ghost Month kaya nagsisimula na sa paghahanda ang mga taga-Reality Entertainment para sa pelikulang pagbibidahan ni Maureen Wroblewitz.

Ipinangako ito nina Dondon Monteverde at Direk Erik Matti sa Asia’s Next Top Model, na bibigyan nila ng mga pelikulang pagbibidahan niya.

Tamang-tama lang na natapos na ang Asia’s Next Top Model sa Eat Bulaga!, kaya puwede na siyang mag-focus sa gagawin niyang pelikula.

Hindi lang nila maibigay ang buong detalye, pero maganda ang kuwento na bagay sa kanya.

Pero kailangan munang dumaan si Maureen sa acting workshop na malapit na niyang simulan.

Si Katski Flores ang magdidirek ng pelikulang ito na ang narinig ko, kukunan ang kabuuan ng pelikula sa New Zealand.

Sa ngayon ay naghahanap na sila ng leading man na babagay kay Maureen.

May ilang kilalang aktor na inimbitahan para mag-audition at titingnan kung may chemistry sila ni Maureen.

Nang kinumusta ko kay Dondon kung may napili na silang i-partner kay Maureen, wala pa raw napili si Direk Katski.

Continue reading below ↓

Ito kaya ang dahilan kaya nagpapayat daw ngayon si JK Labajo, dahil gusto rin niyang makasama sa pelikula si Maureen?

Sino sa palagay ninyo, ka-Troika, ang babagay na i-partner kay Maureen Wroblewitz?

NOEL FERRER

Ano kayang genre ng peikula muna ang bagay kay Maureen?

Love story ba? Or horror? Or action?

Or mangangahas ba siya ng sexy launch tulad ng Wild and Free in Regal? OK namang makasama ni Maureen si JK sa pelikula, pero mas kailangan ni Maureen ng isang leading man na may gravitas sa acting at boxoffice.

Sana, mahanap na nila ito.

JERRY OLEA

Agosto 1 hanggang 29 ang Ghost Month this year sa Chinese calendar.

For sure, hindi iko-consider si Darren Espanto na leading man ni Maureen.

Malabo sa lababo rin si Gerald Anderson.

Bet ko sana si Ruru Madrid, pero papayag ba si JK Labajo?

Puwede kaya si Joshua Garcia? Isa siya sa mga pinaka-promising aming today’s young actors.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang kilalang aktor, inimbitahan para mag-audition bilang leading man ni Maureen Wroblewitz.
PHOTO/S: Maureen Wroblewitz Instgram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results