Arnell Ignacio, nagtanggal ng wig para sa pelikulang Damaso

by PEP Troika
Aug 30, 2019
Director Joven Tan, bilib na bilib sa acting ni Arnell Ignacio sa pelikulang Damaso, isang musical film na hango sa Noli Me Tangere.
PHOTO/S: Rose Garcia / Damaso movie

GORGY RULA

Ngayon lang namin nakita ang totoong hitsura ni Arnelli Ignacio na hindi suot ang kanyang wig.

Hindi kasi puwedeng lumabas ang singer-actor at government official na hindi suot ang kanyang wig dahil siyempre, pinu-promote niya ang kanyang negosyong Creative Hair Systems.

Pero pumayag siyang tanggalin ang kanyang wig sa pelikulang pagbibidahan niya, ang Damaso, na idinirek ni Joven Tan.

“Totoo iyan, walang prosthetics,” pakli niya sa amin nang kinumpirma kong siya ba iyong nasa litrato.

Gagampanan ni Arnelli ang role ni Padre Damaso na hango sa Noli Me Tangere.

Pero musical film daw ito kung saan talagang kinarir nang husto ni Direk Joven ang mga kantang ginawa niya.

Singer talaga si Arnell at nakagawa na ng ilang musical plays, kaya bumagay sa kanya ang role at puring-puri nila ang performance niya sa pelikulang ito.

Bilib na bilib si Direk Joven at ang buong production staff kay Arnell dahil ang galing daw niya sa mga mabibigat na eksena at nasasabayan pa niya ng kanta.

Continue reading below ↓

“Mahirap talaga, pero gustung-gusto kong gawin. Ang ganda kasi ng material,” bulalas ni Arnell.

Balak daw nilang i-submit ito sa Metro Manila Film Festival (MMFF), kaya tuluy-tuloy ang shooting nila para makahabol sa deadline nito sa September 20.

Kasama niya ritong nagkakanta sina Ejay Falcon, Lou Veloso, at marami pang magagaling na stage actors.

May special participation din dito si Aiko Melendez.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Maganda naman at may musical na posibleng i-submit sa MMFF para iba’t ibang klaseng genre ng pelikula.

Bravo, Arnelli, at ibinibida niya ang authentic self!

Tinatanggap at ine-embrace natin ang pagpapakatotoo.

JERRY OLEA

Kung hindi ako nagkakamali, ang huling pelikulang pinagbidahan ni Arnelli Ignacio ay ang indie movie na Bola (2012), kung saan leading man niya si Kenneth Salva.

Idinirek iyon ni Lemuel Lorca, mula sa panulat ni Jerry Gracio.

Nasa cast din sina Suzette Ranillo, Simon Ibarra, Sofia Valdez, at Jacob Miller.

Di ba, musical ang Petmalu (2018) na idinirek ni Joven Tan, at pinagbidahan nina Diego Loyzaga, Marlo Mortel, Michelle Vito, Vitto Marquez, Charles Kieron, Brian Gazmen, at Jairus Aquino?

Nasa cast din sina Ronnie Liang, Mitoy Yonting, Marissa Sanchez, Irma Adlawan, Yayo Aguila, at marami pang iba.

Kung ligwak ganern man ang Damaso sa 45th MMFF na gaganapin sa Disyembre, may chance pa ito sa 1st Metro Manila Summer Film Festival sa Abril 2020.

Continue reading below ↓

Puwede ring itaon ang playdate niyan kaugnay sa kaarawan ng ating pambansang bayani tuwing Hunyo 19.

May Buhayani festival sa Calamba City kaugnay riyan. Mukhang swak din ang ganyang tema sa iba pang local film fest gaya ng Sinag Maynila at Pista ng Pelikulang Pilipino.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director Joven Tan, bilib na bilib sa acting ni Arnell Ignacio sa pelikulang Damaso, isang musical film na hango sa Noli Me Tangere.
PHOTO/S: Rose Garcia / Damaso movie
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results