TV director na kulang sa aksyon, gustong layasan ng production head

by PEP Troika
Sep 2, 2019
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

NOEL FERRER

Totoo kaya itong hindi kagandahang balitang nasagap natin sa umpukan ng production people tungkol sa production staff/head na balak mag-resign sa isang programa sa TV dahil ayaw na nilang katrabaho ang isang direktor?

Ang siste, ang dami raw tapon na eksena sa naturang teleserye at kailangang mag-reshoot nang mag-reshoot. Sayang sa oras at resources!

Marahil, wala sa comfort zone ng naturang direktor ang format ng kanyang bagong programa. Mas madaldal daw kasi siya kaysa maaksyon.

At imbes na maka-quota sila ng mga eksena na usually 30+ sequences per day, wala pa raw sa kalahati ang natatapos nito.

Buti na lang, medyo mabilis magtrabaho ang second-unit director.

Good luck at sana’y masolusyunan ito ng management sa pag-uusap!

JERRY OLEA

Di ba, may problema rin ang naturang direktor sa kalusugan?

Hinay-hinay lang dapat siya sa trabaho. Nakaka-stress ang maaksyong programa.

Kailangang pagandahin mo, lalo pa’t matindi ang kalaban.

Continue reading below ↓

Hindi makatarungang magdusa ang production staff at mga artista dahil lamang sa hindi forte ng direktor ang palabas.

GORGY RULA

Wala nga sa comfort zone ni Direk ang format ng programang ito, kaya siguro idinadaan na lang niya sa pagdadaldal ang ginagawa niya.

Pero matagal nang alam ni Direk ang sistema sa network na iyan.

Kawawa ang EP ng programang ito kung masisita siya kapag mag-over budget na sila.

Malalaking programa ang hinawakan ng EP at alam niya kung paano magtipid. Kaya hindi malayong mag-resign na lang si EP kung ganoon pa rin ang attitude ni Direk.

Nasa EP pa rin naman iyan, e. Kausapin lang niya si Direk, baka maayos nila ito para hindi na sila magkaproblema sa taping at tuluy-tuloy na ang trabaho nila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results