Guwapong aktor at premyadong aktres, nagkasiraan dahil sa tsismis

by PEP Troika
Sep 3, 2019

JERRY OLEA

Magdyowa ang guwapong aktor at gandarang aktres.

Magdyowa rin ang pilyong aktor at premyadong aktres.

Nasa ilalim sila ng iisang network.

Nagkatrabaho ang guwapong aktor at premyadong aktres sa isang primetime teleserye.

Marami silang mga eksena. Nabuo ang kanilang friendship.

Nagkakuwentuhan sila ng kani-kanyang buhay-buhay.

Nai-share ng guwapong aktor kay premyadong aktres ang isang secret ng pinakamamahal niyang gandarang aktres.

Naipasa ni premyadong aktres ang secret na iyon sa dyowa niyang pilyong aktor.

Minsan, nagkatrabaho sina pilyong aktor at premyadong aktres.

Nadulas ang dila ni pilyong aktor. May nasabi ito kaugnay sa lihim ng gandarang aktres.

Nalukring ang gandarang aktres dahil alam ni pilyong aktor ang kanyang lihim.

Kinumpronta ni gandarang aktres ang dyowa niyang guwapong aktor kaugnay rito.

Naalala ni guwapong aktor na ang tanging pinagkatiwalaan niya ng lihim ay ang kaibigan niyang premyadong aktres.

Nagngitngit si guwapong aktor.

Nang magkasama silang muli ng premyadong aktres, panay ang parinig niya rito.

Continue reading below ↓

Maang-maangan ang premyadong aktres, kaya lalong nagpuyos ang kalooban ni guwapong aktor.

Natanto kapagkuwan ni premyadong aktres na sa kanya pala nagpapasaring ang guwapong aktor—na siya pala ang sinapak na sana nito, kung hindi lang siya babae.

Unfriend!

Patay-malisya si premyadong aktres.

Goodbye sa pagkakaibigan nila ni guwapong aktor!

GORGY RULA

Mabuti na lang at hindi aware si premyadong aktres na siya pala ang pinatatamaan ni guwapong aktor.

Nagmaang-maangan school of acting na lang si premyadong aktres.

Huli na niya nalamang naikuwento nga niya pala sa dyowang pilyong aktor ang lihim ng gandarang aktres.

Matagal nang nangyari yun at pinalagpas na lang ni guwapong aktor ang isyung yun.

Friends pa rin ang dalawang aktor, hindi ko lang sure kung magsi-share pa sila ng mga kuwento nila.

Pero totoo talaga, madalas nakakasira sa mga pagkakaibigan ang mga tsismis.

Sa PEP Troika na lang kayo makitsismis. Ito ang bonding natin, hindi tayo magkakasiraan dito.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Tama ka, Tito Gorgy! Katotohanan at kapayapaan sa PEP Troika! Hehehe!

Pero lalagay na ba sa tahimik ang guwapong aktor at gf niyang gandarang aktres na may kabagalan magsalita?

O bagal-bagalan pa rin at taking it easy sila sa kanilang career pati personal life ngayon?

Pero kahit hindi pa kasal, hindi ba’t parang modern families na ang lifestyle ng dalawang couples na ito dahil pareho na silang nagli-live in?

Hanggang kailan kaya?

Abangan natin kung sino sa kanila ang mauunang magpakasal—o meron na kaya?

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results