Megastar Sharon Cuneta, wala nang kailangang patunayan sa showbiz

by PEP Troika
Sep 3, 2019
Megastar Sharon Cuneta, tama lang ang planong semi-retirement sa showbiz.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram

NOEL FERRER

Madamdamin ang post ni Megastar Sharon Cuneta tungkol sa pamamaalam niya sa anak na si Frankie (or Kakie) na mag-aaral na sa New York.

Bilang kasama ni Sharon noong nag-The Sharon Cuneta Show pa kami, ganyan din ang iyak niya nang lumipad ang panganay niyang si KC Concepcion papuntang Paris para mag-aral.

Ngunit ang kaibahan noon ay walang bahid ng pamamaalam sa career ang maririnig kay Shawie.

Ngayon, tahasan na niyang sinabi na mag-i-slow down na siya, at gagawa na lang siya ng significant projects.

Bagamat gusto ko siyang makitang mas madalas sa media (kaysa naman sa ibang mga walang wawa), natuwa rin ako nang sabihin ni Sharon na pipiliin na lang niya ang lalabasan niya, habang nagko-concentrate siya sa me-time at family-time niya.

In the meantime, aabangan ko pa rin ang ICONIC concert nila ni Regine Velasquez sa Araneta Coliseum sa October18 at 19, at ang mga magagandang pelikulang puwede niyang gawin.

Continue reading below ↓

Meron akong kasamang premyadong direktor sa Ricky Lee Workshop na naghahanda nang mag-pitch sa kanila ni Cherie Gil ng napakagandang kuwentong baka sakaling maging co-production sa Canada. Sana, matuloy ito para iba naman.

I would love for Sharon to enjoy ang anumang pinagpaguran niya for all her 41 years in our industry.

She doesn’t have to be in the race anymore. Sharon is an ICON who is beyond trends.

GORGY RULA

Tama ngang sa pamilya na mag-focus si Sharon dahil wala siyang kailangan pang patunayan sa showbiz.

Kaya tingin ko, malabo na iyang nagpapantasyang posible pang magsama sila ni Gabby Concepcion sa isang pelikula.

Di ba, binanggit din noon ni Sharon sa interview natin sa Level Up program mo, Sir Noel, na nagbabawas na siya ng investments niya?

Gusto na niyang ibenta ang ilang properties niya, pero hindi pa nabibili ang iba.

Mas gusto niyang simpleng buhay na lang. Kagaya ni Dawn Zulueta, gusto niyang bumalik sa pag-arte kapag maganda talaga ang project na iaalok sa kanya.

Continue reading below ↓

Mas mabuting bantayan na lang daw niya ang anak niyang magbibinata na.

Kaya kung may nakaligtaan man si Sharon sa pag-alaga niya kay KC Concepcion noong nag-aral ito sa Europe, this time ay susubukan niyang hindi siya magkulang kay Frankie at sa iba pa niyang anak.

JERRY OLEA

Sharonian ako, at tanggap kong hindi pa panahon upang magtambal muli sa pelikula sina Sharon at Gabby.

“Kung ukol, bubukol,” 'ika nga. Huwag nating ipilit ang malabo sa lababo.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Megastar Sharon Cuneta, tama lang ang planong semi-retirement sa showbiz.
PHOTO/S: @reallysharoncuneta Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results