TV director, umalma sa akusasyong cause of delay siya sa set

by PEP Troika
Sep 4, 2019
Director ng bagong teleserye, nagulat sa kumakalat na espekulasyong mas marami siyang daldal kaysa aksyon.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

GORGY RULA

Nakarating kay Direk ang kuwento na kesyo siya ang dahilan kaya nade-delay ang taping ng drama series na idinidirek nito.

Ayon sa ilang taong malapit kay Direk na nakausap ko, nalungkot ang naturang direktor dahil bakit sa kanya isinisisi lahat ng delays.

Una, ginagawa raw nila ang pilot episode at naturalmente, nangangapa pa, maraming dapat ayusin, may babaguhin.

Kung meron mang pagkakamali o cause of delay, hindi naman dahil lang sa kanya.

Sa tagal niya sa TV network na pinagtatrabuan, alam niya ang sistema. Bakit itinuturo raw ang pagdadaldal at pakikipagtsikahan niya sa taping?

Sa totoo lang, hindi nawawala ang tsikahan sa oras ng trabaho lalo na kung kumportable ka na sa mga katrabaho mo.

Sabi ng ilang staff, hindi dahil sa pagdadaldal ni Direk ang dahilan ng delay.

Wala raw bang mali sa production design, tama raw po ba ang nakuhang instruction ng assistant director na dapat baguhin?

Continue reading below ↓

Kaya ipinaalala ulit sa akin na ang mga una nilang kinunan ay para sa pilot week, kaya naiintindihan kung hindi natatapos ang nakakasang breakdown sa araw ng taping.

Bakit daw may kumakalat na ganoong kuwento? Hindi ba ganoon ka-okay sina Direk at Madam EP, o may ibang taong hindi type si Direk sa programang yun?

NOEL FERRER

Kakaiba itong challenge na ito dahil formidable ang katapat nitong programa at kailangang paghusayan nila.

Kung hindi, sayang ang pinaghihirapan nila.

Iba talaga if you have a group and a material na kumportable ka talaga, dahil mas mabilis na things will fall into their places.

Basta, isang malaking good luck sa naturang programa!

JERRY OLEA

May usok... kaya lumutang ang kuwentong iyan kaugnay sa beteranong direktor.

Harinawa’y maayos ang gusot sa lalong madaling panahon.

Hindi maganda at lalong hindi makatarungan para sa isang malaking TV project ang kanegahan.

Good vibes lang sana!

Continue reading below ↓
Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Director ng bagong teleserye, nagulat sa kumakalat na espekulasyong mas marami siyang daldal kaysa aksyon.
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results