Sue Ramirez, "hashtag ginalingan" ang love scene nila ni Javi Benitez

by PEP Troika
Sep 4, 2019
Sue Ramirez, leading lady sa launching movie ng newbie actor na si Javi Benitez.
PHOTO/S: Jerry Olea

JERRY OLEA

Umaatikabo sa aksiyon ang launching movie ni Javi Benitez, na limang buwan nang sinu-shoot ni Direk Richard Somes.

May drama rin, lalo’t andiyan sina Christopher de Leon at Tonton Gutierrez.

May intimate or kissing scene ba si Javi with his leading lady Sue Ramirez?

"This film is really a mainstream genre na action," pasakalye ni Direk Richard nang mainterbyu namin nitong Setyembre 3, Martes ng hapon, sa EPIC PARC, Sitio Bayucan, Tanay, Rizal.

"So, kailangan mong ilagay lahat ng formula ng action. So, I can say that they have this beautiful intimate scene."

Masisilayan ang ganda ng katawan nina Sue at Javi!

Dagdag ni Direk Richard, "We shot that already. And I think that’s the most romantic scene I’ve shot in a while.

"Yes, may skin na makikita. It’s very intimate, but very well-made shot, and I think Sue nailed it!"

Continue reading below ↓

Napapangiti at natatawa sina Sue at Javi habang nagpapaliwanag ang kanilang direktor.

"Hashtag ginalingan!" kilig-kiligang sambit ni Sue sabay palakpak.

Paliwanag pa ni Direk Richard, "Iyong perspective ko as a director when shooting a love scene, I always look at the woman na dapat siya iyong in control.

"And I think, Sue is like... she’s kinda in control here...

"Javi is like the gentleman-type, and it’s more of a give-and-take, and there’s a lot of tenderness, and comfort behind the scene."

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kinarir nila nang husto ang mga eksena sa pelikulang ito.

May isang eksena na isang buwan nilang pinaghandaan! Nag-rehearse sila nang paulit-ulit para ma-perfect lang pag isu-shoot na.

Walang limit ang budget dahil bongga ang suporta ng daddy ni Javi na si dating Negros Occidental Representative Albee Benitez.

NOEL FERRER

Wow, so after Joao Constancia of BoybandPH, enter Javi Benitez na ba sa puso ni Sue?

Oh well, wala akong masabi sa launching movie na ito. Hindi ito tinitipid at bongga ang super players nito.

Madugo ang post production movie, kaya next year pa ito ipalalabas.

Gusto ni Direk Richard na mag-premiere ito sa isang international filmfest.

Isasali ba ito sa first Summer MMFF?

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Pasabog ba sina Sue at Javi sa intimate scene?

Sagot ni Direk Richard Somes, "Well siyempre, honestly, if you shoot your hero, you need to be in love with him.

"So, I think, what I saw in Javi, I think meron siyang ibibigay roon in terms of being an action star, and an actor also.

"At the same time, Javi in this movie is very sexy."

Nais ni Direk Richard na hubugin ni Javi ang sex appeal nito sa mga yapak ng Hollywood actors na sina Marlon Brando, James Dean, at Humphrey Bogart.

"You should be a man’s man. You should be an alpha," payo ni Direk Richard kay Javi.

"Importante na nag-i-stand out ka. Larger than life ka."

Siyempre, nagpasalamat si Javi sa kanyang direktor sa pagtuturo nito kung paano i-portray ang isang action hero.

Ani Sue, very professional ang pagka-shoot ng love scene nila ni Javi, at naalagaan silang mabuti.

Continue reading below ↓

"You won’t look at it as malaswa, bastos. It’s a very beautiful scene," sey ni Sue.

"Hot!" bulalas ni Direk Richard.

Sabi ni Javi, tormented soul ang karakter niya sa movie, at si Sue ang nagpakalma sa kanya.

"It’s my first kissing scene, so medyo kinabahan ako. Pero she made it easy for me," pag-amin ni Javi.

"In one word, paano nila ilalarawan ang kanilang kissing scene?

Natawang sabi ni Javi, "Fabulous!"

Todo halakhak din si Sue, "Glamorous!"

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sue Ramirez, leading lady sa launching movie ng newbie actor na si Javi Benitez.
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results