Marian Rivera, malabong maging leading lady ni Dingdong Dantes sa DOTS

by PEP Troika
Sep 5, 2019
Marian Rivera on Descendants of the Sun: "Ang hirap magsalita tungkol sa show na iyan. Baka mamaya… kawawa, may leading lady 'tapos pinu-push niyo ako."
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Sa tono ng mga sagot ni Marian Rivera, mukhang malabo talagang siya ang magiging leading lady ni Dingdong Dantes sa Descendants of the Sun, na nagsimula nang mag-taping.

Ayaw na sana itong pag-usapan ni Marian nang humarap siya sa mediacon ng programa niyang Tadhana, na nagsi-celebrate na ng second anniversary.

“Ang hirap magsalita tungkol sa show na iyan. Baka mamaya… kawawa, may leading lady 'tapos pinu-push niyo ako,” pakli ni Marian nitong Setyembre 5, Huwebes.

Malabong gawin niya ang Descendants of the Sun dahil ang lalayo ng location nito, kagaya ng Nueva Vizcaya na straight two days nagti-taping doon si Dingdong.

“Paano yun, kaladkad ko si Ziggy sa taping? 'Tapos, si Zia nag-aaral, ako hatid-sundo sa school,” dagdag na pahayag ni Marian.

Kahit gusto sana ng mga fans, at gusto rin ni Marian na makasama sa isang project ang asawa niya, mahirap dahil mas naka-focus siya sa sa pag-aalaga sa dalawa nilang anak ni Dingdong.

Continue reading below ↓

Unti-unti pa lang siyang bumabalik sa trabaho, kagaya nitong Tadhana kung saan sa darating na Sabado, September 7, bilang pagsisimula ng second anniversary, ipi-feature nila ang kuwento ng tatlong magkakaibigang OFWs na nagtatrabaho sa Cyprus na nasangkot sa kaso ng serial killing sa naturang bansa.

Tampok sa episode na ito sina Rhian Ramos, Benjamin Alves, Juancho Trivino, Diva Montelaba, Lara Morena, at Annalyn Barro.

Baka next month ay babalik na si Marian sa Sunday Pinasaya.

NOEL FERRER

Ratsada si Marian ngayon sa endorsements, at congratulations sa kanya.

Happy ako sa devotion niya sa kanyang pamilya. Pero nami-miss ko na siya sa pag-arte!

Sana, may breakthrough movie at TV project sa kanya soon after niyang mag-focus sa kanyang pagiging nanay, na talaga namang walang katapusan!

JERRY OLEA

Malinaw ang priorities nina Marian at Dingdong. Nagsasakripisyo at nagbibigayan sila alang-alang sa kanilang mga anak.

Mabuhay ang Familia Dantes!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Marian Rivera on Descendants of the Sun: "Ang hirap magsalita tungkol sa show na iyan. Baka mamaya… kawawa, may leading lady 'tapos pinu-push niyo ako."
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results