Bea Alonzo, dadalo kaya sa Sine Sandaan event at sa ABS-CBN Ball?

by PEP Troika
Sep 6, 2019
Kabilang si Bea Alonzo sa 300 luminaries na pagpupugayan ng FDCP sa Sine Sandaan event sa Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Q.C.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban

JERRY OLEA

Mahigit isang buwan nang nananahimik si Bea Alonzo.

Hulyo 26 nang aminin niya sa presscon ng bago niyang drama series ang ghosting sa kanya ni Gerald Anderson.

Naging abala si Bea sa Ricky Lee Scriptwriting Workshop, kaya wala siya sa ASAP Natin ‘To Bay Area show noong Agosto 3 sa San Jose, California, maging sa All-Star Games 2019 noong Agosto 25, Linggo, sa Araneta Coliseum, Quezon City.

Deadma si Bea sa mga pahayag nina Gerald, Julia Barretto, at ng ina ni Gerald na si Evangeline Opsima.

Kailan “babalik” sa eksena si Bea?

Kabilang sina Bea at John Lloyd Cruz sa 300 luminaries na pagpupugayan ng FDCP sa Sine Sandaan event sa Setyembre 12, Huwebes ng gabi, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Q.C.

Inaabangan din kung dadalo si Bea sa 2019 ABS-CBN Ball sa Setyembre 14, Sabado ng 6 P.M. sa Shangri-La At The Fort, Taguig City.

Magtatagpu-tagpo kaya sila roon nina Gerald, Julia, at Joshua Garcia?

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Kaabang-abang itong Sine Sandaan na matagal nang pinaghandaan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).

Isasara nila ang kalye sa may Araneta Coliseum mula Novotel Hotel hanggang New Frontier Theater (dating Kia Theater).

Isang mahabang red carpet ito kung saan manggagaling ang mga artista at iba pang taga-showbiz na paparangalan.

Isasakay sila sa limo service. May bleachers sa tabi.

Ibebenta ang tickets para sa mga gustong umupo sa bleachers upang saksihan ang pagparada ng showbiz luminaries na dadalo.

Filipiniana ang motif kung saan nakipag-partner ang FDCP sa ilang kilalang designers na magbibihis sa kanila.

Kaya magarbo na, sana, makiayon ang panahon.

“This is one night na ibabalik natin ang kinang ng Philippine Cinema,” pakli ni FDCP Chair Liza Diño-Seguerra.

Kaya bago iyang inaabangan ding ABS-CBN Ball, panoorin muna natin ang pagrampa ni Bea, if ever, sa Sine Sandaan kasama ang iba pang mga magaganda at magagaling na mga artista.

Continue reading below ↓

JERRY OLEA

Strictly by invitation ang Sine Sandaan: Celebrating The Luminaries of Philippine Cinema.

4:00 P.M. ang pre-event cocktails para sa honorees sa Novotel.

5:30-7:30 P.M. ang paghahatid sa honorees mula Novotel patungong New Frontier, kaalinsabay ang seremonyas sa red carpet.

7:00-8:00 P.M. ang cocktails reception sa New Frontier.

8:00 PM ang show proper.

Kabilang sina Bea at John Lloyd sa pagpupugayan sa segment na "Mga Loveteam ng Sentenaryo."

Kasali rin doon sina Judy Ann Santos & Piolo Pascual, Manilyn Reynes & Janno Gibbs, Sheryl Cruz & Romnick Sarmenta, Kathryn Bernardo & Daniel Padilla, among others.

Nanawagan si FDCP Chair Liza Diño sa ABS-CBN at GMA-7 na sana ay gawing holiday ang September 12.

Na sana, walang taping sa araw na iyon, o kung pwede, i-excuse ang luminaries/honorees para makadalo sa Sine Sandaan.

Pahayag pa ni Chair Liza nang makausap namin nitong Setyembre 4, Miyerkules ng gabi, sa 9501 restaurant, ELJCC Bldg., ABS-CBN Compound, QC, “100 Years celebration naman, official naman siya as per presidential proclamation, baka puwede nilang i-holiday...

Continue reading below ↓

“Iyong luminaries, hindi critically-acclaimed actors lang, kundi the different milestones, or the different genres.

“So, meron tayong kontrabida luminaries—Dexter Doria, Odette Khan.

"So, ganoon yung pagkakaano namin ng luminary, hindi talaga siya iyong parang kailangang award-winning ka, though merong section na ganoon.

“May special on the Vi-Bot and Guy and Pip.

"Action stars, so we invited Ronnie Ricketts, Bong Revilla, Lito Lapid, Robin Padilla, Jeric Raval.

“'Tapos, comedians. Roderick Paulate, Andrew E, Dennis Padilla, Bayani Agbayani, John Lapus...”

Napakaraming iba pang luminaries ng Sine Sandaan, gaya nina Celia Rodriguez, Christopher de Leon, Amy Austria, at Jaypee de Guzman.

NOEL FERRER

Dadalo si Bea Alonzo sa ABS-CBN Ball sa September 14.

Ang masaya riyan ay first time niyang maglalakad mag-isa. Naranasan niyang maglakad sa red carpet with Zanjoe Marudo at Gerald Anderson.

Pero this year, self love at solo flight niya ang pagrampa at pag-attend ng ABS-CBN Ball.

Continue reading below ↓

Maraming mga kaibigan ang nag-aaya kay Bea para makasama nila sa table, pero abangan natin kung sino na ang makakatabi niya sa gabi ng self love kasama ang ibang mga Kapamilya.

Congratulations kay Bea na paparangalan bilang isa sa 300 Luminaries sa Sine Sandaan sa September 12!

Truly, Bea is movie royalty!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kabilang si Bea Alonzo sa 300 luminaries na pagpupugayan ng FDCP sa Sine Sandaan event sa Setyembre 12, Huwebes, sa New Frontier Theater, Araneta Center, Q.C.
PHOTO/S: Cyrus Panganiban
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results