"Ingat ka, baka ka madapa" adlib ni Anita Linda sa eksena nila ni Eddie Garcia, isang premonition?

by PEP Troika
Sep 6, 2019
Kuwento ng direktor na si Adolf Alix Jr., may isang eksena sina Eddie Garcia at Anita Linda sa pelikulang Circa na tumatak sa kanya nang mapanood niya ang rushes nito.

JERRY OLEA

Dedicated kay Eddie Garcia ang pelikulang Circa, isa sa 10 competing full-length films sa PPP 2019.

Bida rito ang 94-anyos na si Anita Linda, at may special participation dito si Tito Eddie na nag-shoot noong Mayo.

Naaksidente si Tito Eddie noong Hunyo 8 sa taping ng Rosang Agimat sa Tondo, Manila.

“May isang insidente sa shoot na kapag ikinukuwento ko sa kanila, na pag napapanood ko siya sa rushes, hindi ko alam kung premonition siya or ano,” sabi ng direktor ng Circa na si Adolf Alix Jr. sa mediacon nitong Setyembre 5, Huwebes, sa Limbaga 77 restaurant, QC.

“May eksena kasi roon, dahil reunion, birthday ni Tita Anita supposed to be.

"So, Tito Eddie plays one of her actors supposed to be in that period.

“'Tapos, lumapit si Tito Eddie kay Tita Alice [totoong pangalan ni Anita].

"Sabi niya, 'Happy birthday.' So, nag-exchange sila ng lines.

“'Tapos, after, noong paalis si Tito Eddie, nag-adlib si Tita Alice, you will see it in the film.

Continue reading below ↓

"Sabi ni Tita Alice, ‘Ingat ka, baka ka madapa.’

“Wala siyang resonance sa akin noong nag-e-edit po ako.

“Ang post-production nito, noong pinapanood ko sa Thailand, doon ko lang nakita.

“'Tapos, sabi ko kay Tita Alice, ‘Tita, bakit mo po nasabi noong time na yun?’

“Sabi niya, ‘Wala, ano ko lang.’ Basta, iyon daw ang naramdaman niya.

“Noon, hindi ko alam. Pero ngayon, may meaning na siya.

“Siyempre, dedicated namin sa kanya ang Circa. Dahil kumbaga, noong time na yun, galing din yata siya ng taping.

“Sabi ko, ‘Tito Eddie, baka puwede pong pakiusap, kasi kailangan po namin kayo sa ganitong pelikula.’

“'Tapos, in-explain ko sa kanya kung tungkol saan yung movie.

"'Tapos, siyempre, maaga siyang dumating!

“Usap-usap sila nina Direk Laurice [Guillen]. Kasi, yun ang day ng reunion, kaya all-star cast. Nandiyan iyong picture nilang magkakasama.

Continue reading below ↓

“After nun, sabi ko, mag-family picture sila. Kumbaga, group picture.”

Maliban kina Anita, Eddie, at Laurice, nasa cast ng Circa sina Gina Alajar, Jaclyn Jose, Enchong Dee, Ricky Davao, Elizabeth Oropesa, Perla Bautista, Rustica Carpio, Alessandra de Rossi, Liza Lorena, Alan Paule, Rosanna Roces, Joel Palencia, Kim Last, at Erlinda Villalobos.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

"Old-school comedy film" ang review ng magandabamovie.com sa pelikula ng Viva na Sanggano, Sanggago’t Sangguwapo nina Dennis Padilla, Andrew E, at Janno Gibbs.

Ayon sa aming source, kumita ito ng P2.5M sa opening day noong Setyembre 4, Miyerkules.

Kahapon (Setyembre 5, Huwebes) ay naka-P4M total gross na ito.

Sana’y madagdagan pa ang manonood nito this Grandparents Day weekend!

Continue reading below ↓

GORGY RULA

Sa title pa lang, ang luma na, e.

Pero mabuti na rin iyan at hindi mababang-mababa ang kinita.

Karamihan siguro ng gustong manood ay curious na mapanood ang huling pelikulang syinuting ni Manoy Eddie Garcia.

Ang alam ko, meron pa siyang dalawang nagawang pelikula na hindi pa naipalabas.

Kung naka-P4M sa dalawang araw ang pelikulang ito, puwedeng tumaas pa ito sa weekend.

Sana, marami pang manonood dahil malapit na rin ang 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19), inaasahang maganda ang kalalabasan nito sa takilya.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kuwento ng direktor na si Adolf Alix Jr., may isang eksena sina Eddie Garcia at Anita Linda sa pelikulang Circa na tumatak sa kanya nang mapanood niya ang rushes nito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results