Erin Ocampo at Michael Pangilinan, magkatuwang sa pagpapalaki ng anak kahit hiwalay na

by PEP Troika
Sep 6, 2019
Erin Ocampo on Michael Pangilinan: "As a tatay, sobrang focus siya kay Kiel every time sa kanya. Nakikita ko naman kung papa'no niya inaalagaan yung bata... So, nakikita ko naman pong gusto niya talagang magpaka-tatay.
PHOTO/S: Noel Orsal

GORGY RULA

Hindi itinatago ni Erin Ocampo ang pagkakaroon niya ng anak sa balladeer na si Michael Pangilinan.

Aniya, hindi ganoon kahirap ang set-up nilang co-parenting sa kanilang anak na three-year-old boy.

Si Erin ang dating miyembro ng GirlTrends na nasa Kapuso network na at kasama sa bagong action-drama series ng GMA-7 na Beautiful Justice, na magsisimula na sa Lunes, September 9.

Matagal na silang hiwalay ni Michael pero okay raw sila ngayon para sa kanilang anak.

Hindi raw nagkukulang si Michael sa responsibilidad nito bilang ama.

“Okay naman po, e.

"Nahihiram niya every weekend.

"As a tatay, sobrang focus siya kay Kiel every time sa kanya.

“Nakikita ko naman kung papa'no niya inaalagaan yung bata, nag-a-update po siya sa akin, e.

“So, nakikita ko naman pong gusto niya talagang magpaka-tatay.

"Okay na po yun sa akin,” napapangiting pahayag ni Erin nitong Setyembre 5, Huwebes, sa GMA Network Center, Quezon City.

Continue reading below ↓

Thankful si Erin sa GMA-7 dahil binigyan siya ng chance na makabalik sa showbiz.

For nine years siyang nag-aartista, parang nababagalan siya at ang dami niyang pinagdaanan.

Kaya nag-aral pa siya ng Culinary Arts dahil naisip niyang meron siyang dapat fallback sakaling hindi talaga siya mag-succeed sa showbiz.

Pero ngayong Kapuso na siya, sunud-sunod ang guestings na ibinibigay sa kanya, at regular na raw siya sa Beautiful Justice.

Pinili raw muna ni Erin magpaka-single dahil gusto niyang mag-focus sa kanyang showbiz career at sa nag-iisa niyang anak.

Mabuti at nandiyan daw ang mga magulang niyang hindi siya pinababayaan.

High school pa lang daw siya ay boyfriend na niya si Michael, pero nagkahiwalay at nagkabalikan sila, at doon siya nabuntis.

Pagkatapos nilang maghiwalay uli ni Michael, nakarelasyon niya for three years ang dating taga-Pinoy Big Brother na si Axel Torres.

Pagkatapos ng relasyon nila ni Axel ay ayaw na raw muna niyang makipagrelasyon.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

Good luck kay Erin.

Sana ay career muna ang atupagin niya.

Let’s see kung sino sa Kapuso actors ang mali-link sa kanya.

As I always say, water will find its level.

JERRY OLEA

May something in common sina Michael at Axel, di ba?

Oh, well, ngayon siguro ang tamang panahon kay Erin sa showbiz. Nawa’y ngitian siya ng suwerte bilang Kapuso.

Nakatutuwa na magkasundo sila ni Michael sa pag-aalaga sa kanilang anak.

Malay mo, malay ko... sila pa rin pala sa bandang huli. Panahon lang ang makapagsasabi.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Erin Ocampo on Michael Pangilinan: "As a tatay, sobrang focus siya kay Kiel every time sa kanya. Nakikita ko naman kung papa'no niya inaalagaan yung bata... So, nakikita ko naman pong gusto niya talagang magpaka-tatay.
PHOTO/S: Noel Orsal
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results