MMK nina Meryll Soriano at Sharlene San Pedro vs Magpakailanman nina Mark Herras at Jeric Gonzales

by PEP Troika
Sep 6, 2019
Kaninong episode ang may mas malakas na hatak ngayong Sabado? Ang "MMK" nina Meryll Soriano at Sharlene San Pedro o ang "Magpakailanman" episode nina Yasser Marta, Mark Herras, at Jeric Gonzales?

JERRY OLEA

“Ang ina, hindi ka iiwan, hindi ka tatalikuran, hindi ka kayang pabayaan, kahit ikaw pa mismo ang mawala sa kanya.”

Blurb iyan para sa madramang MMK (Maalaala Mo Kaya) episode nina Meryll Soriano at Sharlene San Pedro ngayong Setyembre 7, Sabado ng 8:30 PM, pagkatapos ng The Voice Kids Season 4 sa ABS-CBN.

Teaser pa lang ng episode na ito, wagas na ang kurot sa puso.

Samantala, matutunghayan sa Magpakailanman ng GMA-7 ang kakaibang kuwento ng pagmamahalan ng tatlong magkakapatid.

Tampok dito sina Mark Herras, Jeric Gonzales, at Yasser Marta bilang magkakapatid na handang makipagpatayan.

Continue reading below ↓

NOEL FERRER

I’m particularly happy sa direktor ng MMK this week na si Chiqui Lacsamana, na pagkatapos maging music video at segment director sa ASAP at iba pang mga shows sa ABS-CBN ay nabigyan ng break sa Ipaglaban Mo, at nag-rate nang ilang beses.

'Tapos, heto na ang unang MMK niya with very good actors na sina Meryll at Sharlene.

Good luck, Direk Chiqui! At good luck din sa first movie mo na line produced ni Daddie Wowie Roxas.

Let us see kung ano ang hatak ng MMK sa itatapat nina Mark, Jeric, at Yasser sa Magpakailanman.

GORGY RULA

Tagisan ng aktingan itong pagsasama nina Meryll at Sharlene sa MMK.

Si Mark naman ay inspired ngayong magtrabaho kaya talagang pinag-aralan at ginalingan itong ginawa niya sa Magpakailanman.

Continue reading below ↓

Mukhang matindi pa rin ang labanan, pero sa ngayon ay lamang pa rin ang Maalaala Mo Kaya ni Charo Santos.

Tingnan natin itong sa darating na Sabado, dahil maganda ang kuwentong ilalahad sa Magpakailanman.

Samantala, patuloy pa ring namamayagpag sa ratings ang The Voice Kids.

Pero exciting din ang gagawin ng anim na finalists sa StarStruck kung saan mapapasabak sila ng matinding drama sa Kapuso child actors and actresses.

Bukod pa riyan, dalawa na raw ang tatanggalin kaya abangan kung sinu-sino kina Kim, Abdul, Allen, Pamela, Shayne, at Lexi ang maiiwan sa Final Four.

At sa darating na Linggo, September 8, ay magkakaroon ng back-to-back mall show ang StarStruck Final 6 at stars ng One of the Baes na sina Ken Chan, Rita Daniela, Edgar Allan Guzman, James Teng, at Dyosa Pockoh sa Fishermall Quezon Avenue.

Magsisimula ang programa nang 5:00 P.M.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kaninong episode ang may mas malakas na hatak ngayong Sabado? Ang "MMK" nina Meryll Soriano at Sharlene San Pedro o ang "Magpakailanman" episode nina Yasser Marta, Mark Herras, at Jeric Gonzales?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results