Pamela Prinster, kahanga-hanga ang professionalism

by PEP Troika
Sep 8, 2019
StarStruck finalist Pamela Prinster (shown with fellow finalist Abdul Raman) showed her professionalism by fulfilling her work obligations despite the untimely passing of her grandmother.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network

GORGY RULA

Nagpaalam na sa StarStruck sina Abdul Raman at Pamela Prinster nitong Sabado ng gabi, Setyembre 8.

Mababa ang nakuha nilang score sa huling Artista test kung saan napasabak sila sa matinding drama scenes.

Sa dami ng Artista tests na pinagdaanan nila, lumalabas na dapat talaga mangingibabaw ang galing mo sa akting kaya naiwan sa Final Four sina Kim de Leon, Allen Ansay, Shayne Sava at Lexi Gonzales.

Magkakasunod na lungkot ang dumating kay Pamela dahil pumanaw nitong Sabado ng umaga ang paborito niyang lola.

Ipinalabas pa sa isang episode ng StarStruck na dinalaw niya ito sa Aklan.

Kaya baka hindi raw makadalo si Pamela sa finale nitong talent-reality search dahil nasa burol na siya ng kanyang lola sa Aklan.

Sa kabila nito, professional pa rin si Pamela na dumating sa mall show ng StarStruck nitong Sabado ng hapon sa Fishermall, Quezon City.

JERRY OLEA

“The show must go on.” Kasabihan iyan sa showbiz, na kahit may mabigat kang pinagdadaanan, tuloy pa rin ang palabas.

Continue reading below ↓

Natanggal man sina Pamela at Abdul sa StarStruck, nawa’y hindi ito ang katapusan ng kanilang mga pangarap.

Tingnan ninyo si Alden Richards. Ni hindi pumasok sa Final 14 ng StarStruck... pero Box Office King na ngayon!

NOEL FERRER

Dream. Believe. Survive.

Sino na kaya ang magiging ultimate survivors?

In fairness, nakaka-engage na ngayon ang Starstruck, ha?!

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
StarStruck finalist Pamela Prinster (shown with fellow finalist Abdul Raman) showed her professionalism by fulfilling her work obligations despite the untimely passing of her grandmother.
PHOTO/S: Courtesy of GMA Network
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results