Kathryn Bernardo, dedma lang sa takip-mukha tweet

by PEP Troika
Sep 8, 2019
Kathryn Bernardo shrugs off "takip-mukha" tweet, while her fans raise an uproar on social media.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter

JERRY OLEA

Sama-sama sina Gabbi Garcia, Nadine Lustre, Heart Evangelista, Kathryn Bernardo at Ylona Garcia sa Pond’s Women Speak Forum noong nakaraang Miyerkules, Setyembre 4, sa Maybank Performing Arts Theater, BGC, Taguig City.

Setyembre 5, Huwebes nang umaga, umalis pa-Japan si Kathryn para magbakasyon kasama ang pamilya at kasintahang si Daniel Padilla.

Continue reading below ↓

Nag-birthday doon ang kuya ni Kathryn na si Kevin, na poging dentista.

Huwebes ng gabi, nag-tweet ang Viva Entertainment ng “Stunning ladies” sa nasabing pasiklab, kung saan tinakpan ng malaking mukha ni Nadine si Kathryn.

Umalma siyempre ang fans ng celebrated Box Office Queen.

Tinanggal din kapagkuwan ng Viva Entertainment ang naturang tweet.

Ayon sa source ng PEP Troika, dedma lang si Kathryn at ang ina nito sa nasabing paandar. Hindi sila apektado.

Nakabalik na ang KathNiel sa Pilipinas ngayong Linggo, Setyembre 8, bandang 6:00 PM.

NOEL FERRER

In fairness kay Kathryn, hindi niya kailangang mag-react pa. Siya ang biggest box-office draw sa kanilang lahat na kasama sa programa.

Hayaan na lang ang mga nagko-commit ng sin of omission. Kathryn is way beyond that!

GORGY RULA

Ang fans ni Kathryn ang nagpupuyos sa galit, kaya kinastigo nila ang tweet na yun ng Viva Entertainment.

Ang kawawa rito ay si Nadine na wala namang kinalaman sa tweet na yun, siya ang na nakatikim ng matinding pang-alipusta.

Continue reading below ↓

Tingin kasi ng fans ni Kathryn, pambabastos daw ang ginawa sa kanilang idolo.

Mas mabuti pa raw kung na-crop na lang sa litrato gaya nang ginawa ng Star Magic na tinanggal nila sa litrato sina Nadine at Gabbi.

Understandable daw iyun dahil ang hawak lang ng Star Magic ay sina Kathryn at Ylona.

Isinama nila sa post na iyun si Heart Evangelista na dating talent ng Star Magic at malapit pa rin sa kanila.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kathryn Bernardo shrugs off "takip-mukha" tweet, while her fans raise an uproar on social media.
PHOTO/S: Noel Orsal / Twitter
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results