Vina Morales, gaganap bilang Sisa sa pelikula at nanay ni Aljur Abrenica sa teleserye

by PEP Troika
Sep 9, 2019
Vina Morales on playing Sisa in the musical film Damaso: “Para sa akin, wow! Singing, and acting, may combination. Iyong eksena, mabigat. While I’m singing, hinahanap ko sina Basilio at Crispin!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Edith Fider Facebook

JERRY OLEA

Excited si Vina Morales sa pagganap bilang Sisa sa musical film na Damaso, kung saan title role si Arnell Ignacio.

“Noong tinawagan iyong manager ko, sinabi agad na iyong role ko is Sisa!” masayang kuwento ni Vina sa blessing ng bagong puwesto ng Ystilo Salon nitong Setyembre 8, Linggo, sa Festival Mall, Alabang, Muntinlupa City.

“Para sa akin, maski sinong artista o singer, hindi magdadalawang-isip para gawin iyon.

"It’s a musical movie, so talagang hindi ako nagdalawang-isip para tanggapin.

“And we did a shooting yesterday, umaga na nga kami natapos.

"Kasi, ang layo, e! Sa Taal, Batangas iyong shooting.

"On the way coming here, talagang napakalayo.

“May scenes kami na medyo mabigat, kaya talagang... kaabang-abang!

"Ang kinunan kagabi, iyong eksenang sinasaktan si Sisa.

“Ang gustung-gusto ko, merong eksena si Sisa na kakanta.

"I think, konting mga karakter lang ang binigyan ng eksena na kumakanta.

Continue reading below ↓

“This is a star-studded movie. And I’m so proud that I am one of them.

"And I’m so proud to get to portray the role of Sisa.

“Kasi, di ba, Noli Me Tangere iyan? Alam naman nating lahat kung sino si Sisa.

"Malaking challenge para sa akin na gampanan ang role na ito.”

Nakapag-record na si Vina ng kanta ni Sisa.

“Para sa akin, wow! Singing, and acting, may combination.

"Iyong eksena, mabigat. While I’m singing, hinahanap ko sina Basilio at Crispin!” bulalas pa ni Vina.

Kasama sa cast ng Sisa sina Aiko Melendez, Ejay Falcon, Nyoy Volante, Ariel Rivera, Richard Quan, at Arlene Muhlach, sa direksiyon ni Joven Tan.

NOEL FERRER

After Larawan, heto na ang musical film na susubok makapasok sa Metro Manila Film Festival this December.

Buti naman at naayos na si Ejay Falcon.

In-offer at pumayag na kasi si Kit Thompson sa role bilang Elias, ewan kung bakit nag-back out nang last minute.

Continue reading below ↓

Kaabang-abang ang pelikulang ito na musical na, historical pa! Good luck!

GORGY RULA

Kinarir ni Direk Joven Tan ang mga awitin sa pelikulang Damaso.

Sana kagatin ito ng mga manonood.

Alam naman ninyo kapag musical dito sa atin, na ewan ko ba, bakit hindi ganoon kainit ang pagtanggap nila kagaya sa A Star is Born at Bohemian Rhapsody.

Sabi ni Arnell, talagang ang hirap ng bawat eksena na ikinakanta kasabay ang marubdob na pag-arte.

Kaya maingat din sila sa pagkuha ng mga artistang gaganap dahil kailangan marunong kumanta.

Si Aiko Melendez na may special participation dito ang hindi lang kumakanta.

Bukod kay Kit na tumanggi sa project na ito, hindi rin tinanggap nina Richard Gutierrez, Julie Anne San Jose, at Tonton Gutierrez ang role na inialok sa kanila.

JERRY OLEA

Co-stars din sina Vina at Ejay sa Kapamilya teleseryeng Sandugo, kung saan replacement si Vina kay Aiko.

Nag-beg off si Aiko sa role na Cordelia Balthazar para samahan sa kampanya noong nakaraang eleksyon ang kasintahang si Jay Khonghun, na nahalal bilang vice governor ng Zambales.

Continue reading below ↓

“Excited ako sa Sandugo, kasi, iyong eksena ko, kakaiba saka may past,” napapangiting saad ni Vina.

“Ahhm, sa mga susunod na mga eksena, medyo lighter na.

"Nagpapatawa ako pero medyo maiinis ka rin sa akin.

“Bisaya ako roon, so matutuwa iyong mga Bisaya na mga kababayan ko.

"At the same time, may mga hugot din siya na nakakatawa, lalo na, gustung-gusto niya palagi na nag-i-Ingles.

“Kasi, gusto niyang magpakasosyal. So, mali-mali iyong Ingles ko doon as Cordelia Balthazar.

"Apelyido pa lang namin, may ‘H’... Balthazar. Ha! Ha! Ha! Ha!

“Kinokorek nga ako, ‘Baltazar ‘yan.’ ‘Hindi, may H, makulit! Apelyido talaga!’”

Tinawagan ni Vina si Aiko nang i-offer sa kanya ang role ni Cordelia Balthazar, na ina ng karakter ni Aljur Abrenica.

“Okey lang yun, sis, kasi adopted mo lang siya,” ang sabi ni Aiko kay Vina.

Continue reading below ↓

Sabi ni Vina, “OK. Kasi, parang hindi ko yata keri na maging totoong anak si Aljur. ‘Ako rin naman!’ Ganoon din si Aiko.

“Sabi niya, ‘Sis, tanggapin mo! It’s a good role.’

"And then, noong nag-confirm, tinanong ko si Direk Erick, ‘Kailan po ba ang start?’

“Ang sagot ni Direk, ‘Bukas na.’ ‘Ha, Direk?! Bukas na?! Teka!’ Bigla akong na-stress.

“Pero it turned out well naman. Nagustuhan naman nila iyong mga eksenang nagawa ko.”

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Vina Morales on playing Sisa in the musical film Damaso: “Para sa akin, wow! Singing, and acting, may combination. Iyong eksena, mabigat. While I’m singing, hinahanap ko sina Basilio at Crispin!”
PHOTO/S: Noel Orsal / Edith Fider Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results