Pelikula nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos, mas bentahe ang mga kanta ng Ben & Ben?

by PEP Troika
Sep 9, 2019
Pelikula nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na Last Song Syndrome, mas ibinebenta ang pop band na Ben & Ben na kasama rin sa pelikula at kumanta ng theme song?
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea

JERRY OLEA

Musical ang pelikulang LSS (Last Song Syndrome), na pinagbibidahan nina Khalil Ramos, Gabbi Garcia, at Ben & Ben.

Ito ang pinaka-family friendly sa 10 full-length entries ng 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino (Setyembre 13-19, 2019).

Na-inspire ang Ben & Ben, isang indie pop band, sa istorya ng LSS para mabuo ang kantang “Araw-Araw” na theme song ng nasabing movie, maging sa paglikha ng kantang “Mitsa” na nakapaloob din sa album na Limasawa Street.

Bakit Ben & Ben ang kasali sa movie na LSS? Bakit hindi December Avenue o JK Labajo?

“Gusto ko rin sila, pero siguro, mas alam lang namin ang Ben & Ben. Love ko yung Ben & Ben, e, at iyong mga kanta nila, bagay na gawan ng isang love story,” sabi ng direktor ng movie na si Jade Castro, nang makausap namin sa mediacon noong Setyembre 5, Huwebes, sa Tipsy Pig, Timog Avenue, Q.C.

Nang mahiling kina Khalil at Gabbi sa mediacon na magsampol ng duet, kinanta nila ang “Maybe The Night” na theme song ng Exes Baggage movie nina Angelica Panganiban at Carlo Aquino.

Continue reading below ↓

Kasama pa rin sa LSS ang kantang “Maybe The Night.”

“Actually, gusto talaga naming isama ang ‘Maybe The Night.’ Kasi, pag hindi namin siya isinama, baka hanapin ng fans,” paliwanag ni Direk Jade.

“Ang daming fans ng song na yun, di ba? Nahanap naman namin iyong perfect na moment para sa kanya, so we’re very happy kung saan namin siya nailagay.”

Alam na ba nilang magsyota na sina Khalil at Gabbi nang gawin nila ang LSS?

“Hindi. Tsismis lang.”

Nag-away ba o nagkatampuhan ang magsyota habang nagsu-shooting?

“Wala akong nakita. Kasi, pag sila ang magkasama, laging... kung hindi nagkikiligan, very professional.”

NOEL FERRER

I’ll be there tomorrow sa premiere ng pelikula ng Ben & Ben na LSS.

Isa ako sa mga umaasa na, sana, bago sila mapanood sa big screen ay mapaunlakan nila ang audience ng ilan sa kanilang paboritong hit songs!

Continue reading below ↓

Ang saya lang, di ba?

Umaasa ako talaga!!!

GORGY RULA

Maganda ang trailer ng LSS.

Malakas ang dating ng mga kanta ng Ben & Ben at obvious na yun ang ibinebenta ng pelikula, hindi ang tambalang Kahlil at Gabbi.

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pelikula nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na Last Song Syndrome, mas ibinebenta ang pop band na Ben & Ben na kasama rin sa pelikula at kumanta ng theme song?
PHOTO/S: Noel Orsal / Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results