Bring your own utensils, ipinatupad sa set ng produksiyon

Bahagi ba ito ng cost-cutting ng production?
by PEP Troika
Sep 9, 2019

NOEL FERRER

Nagkaroon ng pagtatanong sa ilang staff ng isang produksiyon kaugnay sa nakuha nilang message ukol sa pagdadala ng sariling kutsara, tinidor, at plato sa set.

Sa ibang produksyon, naiintindihan ko ang pagdadala ng sariling baso o mug para hindi sayang ang disposable cups. Ipinapatupad na ang bawal ang plastic.

Pero ang tanong, hindi ba kasama sa responsibilidad ng contracted caterer na magdala ng kubyertos at iba pang kailangan ng produksyon?

Kasama ba ito sa cost-cutting move? Bakit iwas-plastic ang nagiging dahilan?

Ano ang makatarungang kalakaran?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

JERRY OLEA

Tipid-tipid hanggang makakatipid.

Kung kapos ang production budget, tiis-tiis na lang muna.

Sacrifice is the key, or so they say.

Magpa-Pasko pa naman...

NOEL FERRER

Nakakaawa lang na ang nagtitiis pa ay yung nagtitiis na.

Imagine, magtipid by bringing your own utensils.

Ang joke ng ibang crew, ipahugas na rin sa utility ang mga plato at kubyertos gamit ang tubig sa water dispenser sa set.

Magtipid talaga sa utensils sa catering at palabasing bawal na ang plastic sa set?

Mabait talaga ang mga Pinoy kaya ang joke ng iba ay boodle fight na lang para wala nang hugasan.

GORGY RULA

Dati kasi, tumbler lang ang ipinapadala sa lahat ng kasali sa taping, dahil magastos naman talaga ang plastic cup na pagkatapos uminom, tapon na.

Kung pati kubyertos ay hindi na kayang i-provide ng production, wala na tayong magagawa kung patipid na nang patipid.

At least, nakapag-provide pa rin ng pagkain.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ang importante, may trabaho pa rin at hindi babawasan ang talent fee.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results