Ara Mina, ikinabigla ang pagkakahuli kay Deborah Sun sa condo unit niya

by PEP Troika
Sep 10, 2019
Ara Mina on Deborah Sun's arrest: "Medyo torn ako, kasi… nag-positive daw sa drug test, e. Nabigla ako sa sitwasyon. Akala ko, kasi wala na. So, na-disappoint ako... bakit."
PHOTO/S: Noel Orsal / QC Police Station

GORGY RULA

Hindi alam ni Ara Mina ang sasabihin nang tinawagan ko siya sa telepono nitong Setyembre 9, Lunes ng tanghali, para tanungin ang tungkol sa pagkahuli ni Deborah Sun dahil sa drugs.

Si Ara kasi ang tumutulong kay Deborah na ang buong akala niya ay hindi na nai-involve sa droga ang naturang aktres.

Mahigit tatlong taon nang nakatira si Deborah, kasama ang mga anak niya at apo, sa isang condo unit na pag-aari ni Ara.

Bukod pa riyan, nagbibigay rin siya ng grocery items para sa pang-araw-araw nilang kailangan.

Ang buong akala ni Ara ay iniwan na ni Deborah ang bisyong yun, kaya niya ito tinutulungan.

Kaya nang nabalitaan niyang nahuli ito dahil sa droga at doon pa nila ginagawa sa kanyang condo unit, nalungkot si Ara.

Hindi niya alam kung ano ang plano niya.

Wala pa siyang natatangap na tawag o text mula kay Deborah, dahil baka nahihiya ito sa kanya.

Continue reading below ↓

“Siguro, naiisip niya na ma-frustrate lang ako,” pakli ni Ara nang nakausap ko sa telepono.

Nahihirapan siyang sagutin ang tanong ko kung mananatili pa rin ba sila sa condo unit niya sakaling makalabas na si Deborah sa kulungan.

“Tanong ko rin sa sarili ko iyan ngayon. Kasi, nabigla nga ako, e.

"Medyo torn ako, kasi… nag-positive daw sa drug test, e.

“Nabigla ako sa sitwasyon. Akala ko, kasi wala na.

“So, na-disappoint ako... bakit.

“Ano ba ang sabi ni Kuya Ipe?” sagot sa akin ni Ara, dahil alam niyang tumutulong din si Phillip Salvador, na kamag-anak ni Deborah.

Naawa si Ara sa mga anak ni Deborah, lalo na sa apo nito na madalas niyang ka-text.

“Naawa rin ako sa anak niya. Kaya ko nga siya tinulungan, kasi alam ko, hindi naman siya naggaganun,” sabi pa ni Ara.

NOEL FERRER

Sa fight against drugs ng ating gobyerno, masuwerte kung bibigyan pa ng ilang pagkakataon ang kamag-anak ng malapit sa Pangulo na si Kuya Ipe.

Continue reading below ↓

Paano na lang ang iba?

JERRY OLEA

Marso 6 nang taong ito, nakausap ko si Tita Deborah sa lamay ni Marie Barbacui sa St. Peter’s Memorial Chapels, Quezon Avenue, Quezon City.

Doon inilahad ni Tita Deborah ang lubos na pasasalamat niya kay Ara dahil pinapatira siya ni Ara sa condo unit nito sa Cubao.

Nakausap ko a few days later si Ara sa premiere ng pelikulang The Last Interview: The Mayor Antonio Halili Story sa Lipa City.

Napakabuti ng puso ni Ara. Pero may hangganan ang lahat...

Read Next
Read More Stories About
Ara Mina, Deborah Sun
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ara Mina on Deborah Sun's arrest: "Medyo torn ako, kasi… nag-positive daw sa drug test, e. Nabigla ako sa sitwasyon. Akala ko, kasi wala na. So, na-disappoint ako... bakit."
PHOTO/S: Noel Orsal / QC Police Station
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results